Russian netter naghari sa ATP Challenger Tour
MANILA, Philippines – Iginupo ni second seed Mikhail Youzhny ng Russia si Marco Chiudinelli ng Switzerland sa bisa ng 6-4, 6-4 panalo upang angkinin ang kampeonato sa $75,000 ATP Challenger Tour singles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Kinailangan ni Youzhny ng halos dalawang oras upang pigilan ang paghahabol ng swiss netter at masiguro ang $10,000 premyo at 90 points sa ATP ranking.
Nagkasya sa $6,360 konsolasyon si Chiudinelli kalakip ang 55 ATP points.
Sa doubles, kasalukuyang nakikipaghatawan pa sina Filipino Francis Casey Alcantara at Indonesian Christopher Rungkat kina 2012 Wimbledon doubles champions No. 2 Johan Brunstrom ng Sweden at Frederik Nielsen ng Denmark sa finals habang sinusulat ito.
- Latest