^

PSN Palaro

Umeskapo sa Aces sa OT Beermen nakaisa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halos abot-kamay na ng Aces ang kanilang pang-15 kampeonato matapos magposte ng 13-point lead sa 8:33 minuto sa fourth period.

Ngunit hindi ito hinayaan ng Beermen na mangyari.

Sa likod ng kanilang mga beterano, bumawi ang nagdedepensang San Miguel buhat sa naturang double-digit deficit para resbakan ang Alaska sa overtime, 110-104  sa Game Four sa 2016 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umiskor si Marcio Lassiter ng 26 points, tampok ang dalawang three-point shot sa fourth quarter, habang kumolekta si Gabby Espinas ng 21 markets at 14 rebounds para igiya ang Beermen sa 1-3 agwat sa kanilang best-of-seven championship series ng Aces.

“The players accepted the challenge and they didn’t want to be swept by Alaska,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria. “I hope ‘yung momentum mapunta sa amin. We have to prepare for the next game.”

Nagdagdag si Alex Cabagnot ng 16 points kasunod ang tig-11 nina Arwind Santos at Chris Ross para tulu­ngan ang Beermen na maiwasan ang tangkang sweep ng Aces.

Kinuha ng Alaska ang 13-point advantage, 84-71 sa 8:33 minuto ng fourth period mula sa basket ni guard Chris Banchero bago iposte ang 93-82 kalamangan sa huling 3:29 minuto nito. Ngunit hindi nila inaasahang may natitira pang tapang ang San Miguel.

Mula sa naturang agwat ay isang 14-0 bomba ang inihulog ng Beermen para agawin ang 96-93 bentahe sa huling 19.8 segundo.

Isinalpak naman ni Cyrus Baguio ang kanyang three-point shot bago tumunog ang buzzer para itabla ang Aces sa 98-98 patungo sa extra period.

Kaagad kumamada si Vic Manuel ng dalawang basket para ibigay sa Alaska ang 102-98 bentahe sa 3:45 minuto bago kumonekta si Ross ng dalawang sunod na salaksak para itabla ang San Miguel sa 102-102 sa 2:47 minuto.

Ang tres ni Cabagnot matapos ang mintis na jumper ni JVee Casio para sa Aces ang naglayo sa Beermen sa 105-102 sa huling 1:52 minuto ng labanan.

Ang jumper ni 6-foot-8 Yancy De Ocampo sa 1:16 minuto ang nag-angat naman sa San Miguel sa 107-102 matapos ang supalpal ni Santos kay Baguio.

“They fought hard. It was a testament to their character, they deserved the win,” ani Alaska mentor Alex Compton.

Binanderahan ni Manuel ang Aces sa kanyang 20 points kasunod ang tig-14 nina Calvin Abueva at Dondon Hontiveros.

San Miguel 110 - Lassiter 26, Espinas 21, Cabagnot 16, Ross 11, Santos 11, Tubid 8, De Ocampo 6, Lutz 4, Reyes 4, Heruela 3, Araña 0, Omolon 0, Semerad 0.

Alaska 104 - Manuel 20, Abueva 14, Hontiveros 14, Casio 13, Banchero 12, Baguio 11, Thoss 9, Exciminiano 5, Jazul 4, Baclao 2, Dela Rosa 0, Menk 0.

Quarterscores: 20-28, 43-49, 69-77, 98-98, 110-104.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ALEX COMPTON

ANG

ARWIND SANTOS

BEERMEN

CABAGNOT

CALVIN ABUEVA

CASIO

PARA

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with