San Agustin, Malabon High nagsalo sa liderato sa WVL
MANILA, Philippines – Itinala ng Colegio San Agustin-Makati at Malabon National High School ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa premiere 17-and-under Competitive Division ng 20th Women’s Volleyball League (WVL) sa Xavier School gym.
Pinatumba ng CSA-Makati ang St. Scholastica’s College-Manila, 25-19, 25-19 sa Group B, habang tinalo ng Malabon NHS ang St. James Academy, 25-13, 25-15, sa Group C para sa magkatulad nilang 2-0 record.
Ang iba pang 17-U Competitive winners sa torneong inorganisa ng Best Center at itinataguyod ng Milo ay ang (Group A) De La Salle-Zobel at Hope Christian School; (Group C) Colegio de San Lorenzo; at (Group D) Saint Pedro Poveda College.
Sa 17-under Developmental Division binigo ng San Antonio de Padua College ang Tanong Integrated School, 25-15, 5-22 para sumosyo sa liderato sa Sisters of Mount Carmel Catholic School, pinayukod ang The Seed Montessori School, 25-22, 25-20 sa magkapareho nilang 2-0 marka.
- Latest