^

PSN Palaro

Umaayon sa Aces ang kasaysayan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa istatistiko, ang 37 sa 43 koponang kumuha ng 2-0 bentahe ay nagtuluy-tuloy sa pag-angkin sa serye.

At pumapanig sa Alaska ang kasaysayan sa kanilang best-of-seven championship series ng nagdedepensang San Miguel para sa 2016 PBA Philippine Cup.

“We’ll not take the fight away from them when we still haven’t got the needed fourth win,” sabi ni coach Alex Compton matapos iskoran ng kanyang Aces ang Beermen sa Game One (100-91) at Game Two (83-80) para kunin ang malaking 2-0 kalamangan sa kanilang titular showdown.

Noong nakaraang Philippine Cup Finals ay kinuha ng Alaska ang Game One bago nagtuloy sa Game Seven ang serye na pinagwagian ng San Miguel.

Ang malaking dahilan ng dalawang sunod na ratsada ng Aces ay ang hindi paglalaro ni back-to-back Most Valuable Player June Mar Fajardo para sa Beermen.

Kung hindi makakalaro ang 6-foot-10 na si Fajardo sa Game Three bukas sa Quezon Convention Center sa Lucena ay maaaring mahirapan na ang San Miguel na makabangon mula sa pagkakabaon sa Alaska.

Sinabi ni coach Leo Austria na maaari nilang isakripis­yo ang pagdedepensa sa korona huwag lang ang basketball career ni Fajardo, posibleng makamit ang kanyang pangatlong sunod na PBA MVP crown.

“I have told June Mar we could sacrifice this championship but not his career,” ani Austria sa Cebuano superstar.

Nagkaroon si Fajardo ng hyperextended left knee sa Game Six ng semifinals series ng Beermen at Rain or Shine Elasto Painters.

“Perhaps, we need a little more adjustment. And we have to keep believing that we can win without June Mar,” wika ni Austria na ginagamit sina 6’8 Yancy De Ocampo at power forward Gabby Espinas para gawin ang naiwang trabaho ni Fajardo sa shaded lane laban sa Aces.

ACIRC

ALEX COMPTON

ANG

BEERMEN

FAJARDO

GABBY ESPINAS

GAME ONE

GAME SEVEN

GAME SIX

JUNE MAR

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->