^

PSN Palaro

Kaligayahan ng Pinoy prayoridad ni MVP

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtutungo si Sama­hang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios sa Geneva sa Martes para saksihan ang gagawing drawing of lots na magdedetermina sa groupings ng 18 teams na mag-aagawan sa tatlong tiket sa 2016 Olympic basketball competition sa Rio de Janeiro sa Agosto.

Nakatakdang umalis ng bansa si Barrios sa Lunes at magbabalik matapos ang tatlong araw para tumulong sa pagsisimula ng paghahanda ng bansa sa hosting ng isa sa tatlong Olympic qualifying tournament sa Hulyo 4-10.

“Boss MVP (Manny V. Pangilinan) has had a string of text messages after FIBA’s announcement of the three countries chosen to host the qualifying tourneys. The order is to set the meeting for the hosting preparation right away upon my return from Geneva,” sabi kahapon ni Barrios.

Ang FIBA Olympic Qualifying Tourney ay ang magiging pinakamala­king basketball event na pamamahalaan ng bansa matapos ang 1978 world championship at ang 2013 FIBA Asia Championship.

“What’s in Boss MVP’s mind is to make the Filipino people happy. He’s kept on asking me ‘masisiyahan ba ang mga kababayan natin dito,’” wika pa ni Barrios.

Hindi iniisip ng mga SBP leaders kung saang grupo mailalagay ang Gilas PIlipinas kundi kung paano magiging matagumpay ang pangangasiwa sa naturang cage event.

Aminado silang mahihirapan ang Gilas Pilipinas na magkampeon sa Olympic qualifier matapos madehado sa nakaraang FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

“As they say, the toughest teams we faced in FIBA Asia would be the lowest ranked teams in this event. We have a work cut out for us,” sabi ni Barrios sa Olympic world qualifiers na lalahukan ng Angola, Canada, Czech Republic, France, Greece, Iran, Italy, Japan, Mexico, New Zealand, Puerto Rico, Se­negal, Serbia at Tunisia.

Matapos piliin ang Pilipinas (Manila), Italy (Turin) at Serbia (Belgrade) bilang mga hosts, inimbitahan ng FIBA ang Latvia, Croatia at Turkey para makumpleto ang 18-team OQTs roster.

Tanging ang mga champion teams sa tatlong qualifying tourneys ang makakapaglaro sa 2016 Rio Games.

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

CZECH REPUBLIC

GILAS PILIPINAS

MANNY V

NEW ZEALAND

OLYMPIC QUALIFYING TOURNEY

PILIPINAS

PUERTO RICO

RIO GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with