^

PSN Palaro

Laurente, Ladon pinarangalan ng ASBC

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakasama sina Filipino fighter Cris Sander Laurente at Rogen Ladon sa listahan ng mga top boxers na pinarangalan ng Asian Boxing Confederation (ASBC) para sa kanilang nakamit na karangalan noong 2015.

Hinirang si Laurente bilang Best Junior Male Boxer, habang pinuri naman si Ladon bilang “Asian Discovery of the Year” para makasama ang 13 pang boksingero sa honor roll na inilabas ng ASBC.

Sumuntok ang tubong General Santos City na si Laurente ng silver medal sa 48-kilogram division ng ASBC Asian Continental Junior Boxing Championships sa Tashkent.

Umabante naman ang 15-anyos na si Laurente sa second round ng AIBA Junior World Championships sa Russia.

Kumuha naman ng tiket si Ladon sa AIBA worlds sa Doha, Qatar nang sikwatin ang bronze medal sa light flyweight class bukod pa sa runner-up finishes sa ASBC Asian Boxing Championships sa Bangkok at sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Samantala, hinirang ang 19-anyos na si Uzbekistan pride Bektemir Melikuziev bilang Best Male Boxer makaraang magkampeon sa ASBC at pumitas ng silver medal sa AIBA worlds.

Si Tassamalee Thongjan ng Thailand ang kinilalang Best Female Boxer mula sa kanyang pagrereyna sa Asian meet at sa SEAG.

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

ASIAN BOXING CONFEDERATION

ASIAN CONTINENTAL JUNIOR BOXING CHAMPIONSHIPS

ASIAN DISCOVERY OF THE YEAR

BEKTEMIR MELIKUZIEV

BEST FEMALE BOXER

BEST JUNIOR MALE BOXER

BEST MALE BOXER

CRIS SANDER LAURENTE

GENERAL SANTOS CITY

LAURENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with