Magdedesisyon na ang FIBA
MANILA, Philippines - Magpupulong ang nine-man FIBA Executive Committee na pinamumunuan nina president Horacio Muratore ng Argentina at secretary-general Patrick Baumann ng Switzerland ngayon sa Mies sa Geneva.
Ito ay para pagdesisyunan kung sino sa anim na bidders ang mamamahala sa tatlong Olympic qualifying tournaments na nakatakda sa July 4-10.
Mula sa initial list na 15 interested countries, binawasan ito sa 10 hanggang maging anim.
Ang Pilipinas, Iran at Japan ay kasama sa initial list.
Tanging ang Pilipinas ang natira para makasama ang Czech Republic, Germany, Italy, Serbia at Turkey sa mga bidders.
“There will be no presentation of the bids so no country is invited for the Executive Committee meeting,” sabi ni FIBA director of communications Patrick Koller. “There are still the same amount of bidders, six for the men, two for the women, and they have all complied with the bid requirements.”
Nagbigay ang Pilipinas ng entry fee na 20,000 Euros (P1.05 milyon) noong Oktubre para makuha ang original deadline ng candidature compliance noong Nov. 11.
Unang inihayag ng Executive Committee na mag-uusap sila kung sino ang tatlong magiging hosts ng OQT noong Nov. 23, ngunit pinalawig ng FIBA ang bid deadline noong Jan. 11 kasunod ang paghahayag ng winning bids ngayon.
Ang Executive Committee ay binubuo nina Muratore, Baumann, treasurer Ingo Weiss ng Germany at members Richard Carrion ng Puerto Rico, Turgay Demirel ng Turkey, Harmane Niang ng Mali, Jose Luis Saez ng Spain, Burton Shipley ng New Zealand at Mark Tatum ng US.
Sinabi ni SBP president Manny V. Pangilinan na ang bansa ay may “reasonable chance” sa pamamahala ng Olympic qualifying tournament “being the only Asian country to bid.” dagdag pa niya, “my guess is that FIBA would like to see Asia as one of the three zones mainly because Asia is a huge potential for basketball.” (QH)
- Latest