^

PSN Palaro

PSA igagawad ang President’s Award sa Gilas Pilipinas 3.0

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nila naiparada sina 6-foot-10 June Mar Fajardo ng San Miguel at seven-footer Greg Slaughter ng Ginebra.

Ngunit sa kabila nito ay nakamit pa rin ng Gilas Pilipinas 3.0 ang silver medal sa nakaraang FIBA-Asia Men’s Championship sa Changsha, China.

Sa ilalim ni veteran coach Tab Baldwin, kumampanya ang Nationals na m­ay tapang at puso at halos maaabot ang pangarap na muling makatuntong sa Olympic Games.

Ngunit yumukod ang Gilas sa host China sa gold medal match, 78-67, sa Changsha Social Work Colleges gymnasium.

Isa nang malaking karangalan ang masikwat ang silver medal para sa isang koponan na hindi inaasa­hang makakarating sa finals laban sa bigating China.

Ito rin ang nakuha ng Gilas Pilipinas team ni coach Chot Reyes sa FIBA-Asia meet noong 2013 sa Manila.

Ang kabayanihan ng national team sa ilalim ng mahirap na sitwasyon ay sapat na para ibigay sa Gilas Pilipinas ang President’s Award sa darating na Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na inihahandog ng MILO at San Miguel Corp.

Ang mga nakaraang honorees ng nasabing award ay ang National University Bulldogs, sina dating world champions Rubilen Amit, Dennis Orcollo at Lee Van Corteza, ang Ateneo Blue Eagles, si taekwondo jin Mikaela Calamba, ang Philippine women’s bowling trio at ilan pa.

Nakatakda ang formal event, isang traditional practice ng pinakamatandang media organization, sa Pebrero 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

Sina world boxing champions Nonito Donaire Jr. at Donnie Nietes kasama si Asian Tour winner at rising golf star Miguel Tabuena ang pararangalan bilang co-Athletes of the Year sa PSA Awards Nights na inihahandog din ng Philippine Sports Commission (PSA), Philippine Basketball Association (PBA), Accel, Rain or Shine, Globalport at Philippine Amusement and Gaming Corp

Ang 2013 batch ng Gilas Pilipinas ni Reyes, nagbalik sa bansa sa FIBA World Cup noong 2014 sa Spain, ay hinirang na Athlete of the Year ng PSA noong 2013.

Ibibigay din ng sportswriting fraternity ang mga major awards at citations, kasama rito ang mga gold medal winners sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Pararangalan din ang Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award at Posthumous bukod pa sa Tony Siddayao Awards para sa mga outstanding athletes na may edad 17-anyos pababa at ang MILO Outstanding Athletes para sa boys and girls.

ACIRC

ANG

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA MEN

ASIAN TOUR

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETE OF THE YEAR

ATHLETES OF THE YEAR

AWARDS NIGHTS

CHANGSHA SOCIAL WORK COLLEGES

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with