^

PSN Palaro

Aces humirit sa Game 1; Pagkawala ni Fajardo ramdam ng Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. San Miguel vs Alaska (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines - Lumitaw ang problema ng Beermen sa shaded lane laban sa Aces.

Sinamantala ang hindi paglalaro ni  6-foot-10 June Mar Fajardo, pinatumba ng Alaska ang nagdedepensang San Miguel, 100-91, sa Game One ng 2016 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Aces mula sa 12-point deficit sa fourth quarter para angkinin ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen.

“I didn’t like the way we’re playing. It’s a hard adjustment without the most dominant player,” sabi ni coach Alex Compton. “We’re able to string a bunch of stops.”

Tatangkain ng Alaska na maidiretso ito sa 2-0 laban sa San Miguel sa Game Two bukas kung saan posible pa ring hindi maglaro ang back-to-back Most Valuable Player na si Fajardo.

“Kahit na wala si June Mar talagang malakas pa rin ang San Miguel,” sabi ni Aces’ power forward Vic Manuel na tumapos na may 24 points, ang 14 dito ay kanyang ginawa sa final canto, mula sa 10-of-15 fieldgoal shooting.

Mula sa 42-38 abante sa first half ay pinalobo ng Beermen ang kanilang kalamangan sa 12 points, 78-66, buhat sa three-point shot ni 6’8 Yancy De Ocampo sa pagbubukas ng fourth quarter.

Isang 18-7 atake ang pinakawalan ng Aces sa likod nina Manuel, Calvin Abueva at Chris Banchero para makadikit sa 84-85 agwat sa 4:10 minuto ng labanan.

Tuluyan nang napasa­kamay ng Alaska ang unahan sa 91-88 kasunod ang tres ni Alex Cabagnot para itabla ang San Miguel sa 91-91 sa huling 1:57 minuto.

Ang basket ni Manuel sa gitna kasunod ang tres ni JVee Casio at offensive basket ni Banchero ang muling naglayo sa Aces sa 98-91 sa nalalabing 39.8 segundo ang naging susi sa kanilang panalo.

Alaska 100 - Manuel 24, Baguio 16, Banchero 15, Abueva 12, Exciminiano  6, Jazul 6, Casio 5, Hontiveros 5, Menk 5, Thoss 4, Baclao 2, Dela Rosa 0.

San Miguel 91 - Cabag­not 20, Lassiter 19, De Ocampo 18, Tubid 13, Espinas 11, Araña 4, Santos 4, Ross 2, Lutz 0, Se­merad 0.

Quarterscores: 11-4; 42-38; 75-66; 100-91.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ALEX COMPTON

ANG

BANCHERO

BEERMEN

CALVIN ABUEVA

CASIO

MANUEL

SAN MIGUEL

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with