^

PSN Palaro

Sasagupa sa Kyrgyzstan sa friendly match Azkals magpapalakas para sa 2019 AFC Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtakda ang Philippine Football Federation ng dalawang international friendlies laban sa Kyrgyzstan bilang bahagi ng paghahanda ng Azkals para sa qualifiers ng 2019 AFC Asian Cup at sa final round ng 2016 Asean Football Federation Suzuki Cup.

Bibiyahe ang Azkals sa Kyrgyzstan para labanan ang Snow Leopards sa Sept. 16  bago sagupain ang Central Asian sa Nov. 9.

Sinabi ni PFF general secretary Edwin Gastanes na ang home-and-away-friendlies kontra sa Kyrgyzstan, ang No. 107 sa mundo at ikatlo sa Group B ng FIFA World Cup qualifiers sa likod ng Australia at Jordan, ay magsisilbing hamon para sa 135th-ranked Azkals.

“Kyrgyzstan has been performing well in the World Cup Qualifiers and they are ranked higher than us,” wika ni Gastanes.

Dalawa pang friendlies ang pinaplantsa ng PFF sa Hunyo sa Visayas.

“We’re trying to arrange one or two friendlies during the Fifa window in June and our initial direction is towards holding it in the Visayas. We’re still in the process of invi­ting teams,” ani pa ni Gastanes.

Nakatakda ang Suzuki Cup sa November kung saan ang isang laro sa group stages ay gagawin sa Pilipinas.

Ang Philippine Sports Stadium ang posibleng ma­ging main venue at ang Rizal Memorial Stadium bilang secondary site.

Pero bago ang Suzuki Cup, unang sasabak sa aksyon ang Phl XI sa Group H ng pinagsamang World Cup at Asian Cup qualifiers sa Marso 24 laban naman sa Uzbekistan sa Tashkent at sa Marso 29 kontra North Korea sa Rizal Memorial.

Inupuan ng Azkals ang ikatlong posisyon kung saan dalawang laro na lang ang nalalabi sa second round ng qualifiers.

ACIRC

ANG

ANG PHILIPPINE SPORTS STADIUM

ASEAN FOOTBALL FEDERATION SUZUKI CUP

ASIAN CUP

AZKALS

CENTRAL ASIAN

CUP

KYRGYZSTAN

SUZUKI CUP

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with