89th PSL National Series balik-aksyon sa Jan. 23
MANILA, Philippines – Magbabalik-aksiyon ang Philippine Swimming League (PSL) National Series sa paglarga ng ika-89 edisyon nito sa Enero 23 sa Makati Aquatics Sports Arena sa Makati City.
Patuloy na naghahanap ang PSL ng mga mahuhusay na swimmers na siyang kakatawan sa bansa sa prestihiyosong Summer World University Games na gaganapin sa susunod na taon sa Taipei, Taiwan.
Maliban sa Universiade, pinaghahandaan rin ng PSL ang pagsabak sa 2016 Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia gayundin sa mga international tournaments sa Thailand, Hong Kong, South Korea, Japan at Germany.
“The competition will serve as tryout for the Universiade and other international competitions that we’ll be joining this year. We got a lot of invitations from all over the world including United States, Canada, Japan, South Korea and some European countries like Germany and the Czech Republic,” pahayag ni PSL President Susan Papa.
Ang mga swimmers sa kategoryang 8-anyos pababa ay maaari lamang lumahok sa apat na individual events habang ang 9 hanggang 10 ay limang events at ang 11 pataas ay anim na events.
“We want to give chance to other swimmers and to carry on PSL’s objective to motivate and inspire new swimmers that’s why we limited events of some age bands. It’s one way of showing how” dagdag ni Papa.
Gagawaran ng medalya ang tatlong mangunguna sa bawat event habang bibigyan ng tropeo ang mga tatanghaling Most Outstanding Swimmer sa bawat age band.
Bibigyan naman ng P1,500 pabuya kasama ang Presidential Trophy ang dalawang swimmers (isa sa babae at isa sa lalaki) na magtatala ng pinakamataas na FINA points.
- Latest