^

PSN Palaro

Maaksyon at kapana-panabik ang 5th season ng PBA D-League

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na koponan sa pangunguna ng reigning Foundation Cup champion Café France-Centro Escolar ang magtatagisan sa 2016 PBA  D-League Aspirants Cup na magsisimula sa Enero 21 sa The Arena sa San Juan City.

Maliban sa Cafe France, aariba rin ang Phoenix Petrolium-Far Eastern University, Jam Liner-University of the East, Banco de Oro-National University, AMA Online Education, Caida-Tiles, Tanduay Light Rhum, Wang’s Basketball, University of the Philippines-QRS/Jam Liner at Mindanao Aguilas sa ikalimang edisyon ng liga.

“With a lot of new players and new teams this season of  the D-League should be very interesting and exciting,” pahayag ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Unang aarangkada ang bakbakan sa pagitan ng Caida Tiles at Tanduay sa alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng University of the Philippines-QRS/Jam Liner at BDO-National University sa alas-4 ng hapon.

Isang simpleng opening ceremony naman ang ida­raos sa ala-una ng hapon.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Enero 25 sa pagharap ng Café France kontra Mindanao Aguilas habang magtutuos din ang Phoenix Petroleum at Wangs sa mga larong parehong idaraos sa Ynares Sports Arena.

Sisimulan naman ng AMA ang kampanya nito sa Enero 26 kontra sa Caida sa Ynares Sports Arena. (CCo)

ANG

ATILDE

CAFE FRANCE

CAIDA TILES

COMMISSIONER CHITO NARVASA

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

ENERO

JAM LINER

MINDANAO AGUILAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

YNARES SPORTS ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with