^

PSN Palaro

Game 5

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umalma sa tawagan ng mga referees nung Lunes si Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Buti na lang, paos at halos walang boses si coach. Kung hindi mas marami pang maaanghang na salita ang nabitawan niya sa harap ng mga reporters.

Baka mapa-trouble rin siya kay commissioner Chito Narvasa.

Natalo ang Rain or Shine sa San Miguel Beer. Nag­katambakan at natapos ang laro sa panig ng Beermen 105-92 para itabla ang kanilang best-of-seven semis 2-2.

Lamang ang Alaska kontra Globalport sa kabilang semis 3-1 at kung nanalo sina Calvin Abueva kagabi ay diretso na sila sa finals.

Itutuloy ngayong gabi ang labanang Rain or Shine at San Miguel.

Crucial ang Game 5.

Bakbakan ito.

Umaasa lang si coach Yeng na maging patas ang tawagan. Sa kanyang opinion ay na-dehado ang Rain or Shine sa tawagan.

Gusto niya ng “consistency” sa tawagan.

Ayon kay coach Yeng, hindi patas ang mga referee dahil mahigpit daw ang mga ito sa Rain or Shine kung nagiging pisikal ang laro nila.

At sa San Miguel, malambot ang mga tawag.

“We can’t play physical but they can play physical on us,” sabi ni coach Yeng.

“I want consistency with the calls,” sabi pa niya na papaos-paos.

Ang paniwala ni coach, kaya nilang talunin ang San Miguel sa series na ito pero kung ganun nga raw ang tawagan ay “walang tatalo sa kanila.”

Sabi pa ni coach na sobra raw ang “alaga” ng mga referees kay June Mar Fajardo.

Umalma ang ibang San Miguel fans sa mga pa­ratang ni coach Yeng.

Game 5 mamayang gabi.

Kayo ang humatol.

ACIRC

ANG

CALVIN ABUEVA

CHITO NARVASA

COACH

JUNE MAR FAJARDO

MGA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

UMALMA

YENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with