^

PSN Palaro

Kapana-panabik na racing calendar inihanda ng Philracom ngayong 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Philippine Racing Commission ang kanilang maaksyong racing calendar para nga­yong 2016 tampok ang mas maraming sponsored major races kumpara sa nakaraang mga taon.

Bubuksan ngPhilracom ang taon sa pamamagitan ng Commissioner’s Cup sa Jan. 17 sa Metroturf Racecourse.

Ang 1,800-meter race ay bukas sa lahat ng 4YO and older horses at may ka­buuang premyong P1.2 milyon.

Isang bagong “4YO and older” stakes race ang nakaiskedyul naman sa Jan. 31 sa Santa Ana Park.

Ito ay ang bagong inno­vation ng kasalukuyang Commission sa ilalim ni chair­man Andrew A. Sanchez.

“We anticipate that this new type of major race will attract more bettors be­cause they provide opportunities for local horses to shine,” sabi ni Sanchez.

May pakakawalan ding “3YO Locally-Bred” stakes races ang Philracom, dagdag pa ni Sanchez.

Ang Pebrero ay ma­mar­kahan ng Valentine’s Day event sa San Lazaro Leisure Park kung saan hahataw ang first leg ng Import-Local Challenge para sa 4YO and older horses.

Nakatakda naman ang Summer Racing Festival sa March 26 sa lahat ng racetracks kasama ang first leg ng inaabangang Triple Crown para sa elite local 3YO sa May 15 sa Santa Ana Park.

Ang 2016 racing year ay tatapusin sa pamamagitan ng Philracom Chairman’s Cup at ng 3YO Imported Fillies Championship sa Dec. 11.

May kabuuang 38 stakes races para sa 2016, ka­sama rito ang dalawa na gagawin sa Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial ra­cing festival sa August.

Hindi kasama rito ang Phil­racom-sponsored stakes races para sa horse­­owners’ organizations MARHO, Philtobo at Klub Don Juan de Manila at ang mga charity races.

ACIRC

ANDREW A

ANG

ANG PEBRERO

BAGATSING MEMORIAL

IMPORT-LOCAL CHALLENGE

IMPORTED FILLIES CHAMPIONSHIP

JAN

SANCHEZ

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with