^

PSN Palaro

Donaire, Nietes at Tabuena hinirang na 2015 PSA co-Athletes of the Year

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong ta­on ay muling magkakaroon ng multiple awardees ang Philippine Sportswriters Association para sa PSA Athlete of the Year award.

Itinaas ang bandera ng Philippine sports sa nakaraang taon mula sa kanilang mga panalo, igagawad sa dalawang world boxing champions at isang sumisikat na golfer ang naturang parangal.

Nagtala ng mga panalo sina boxing champions Donnie Nietes at Nonito Donaire Jr. kasama si Asia Tour winner Miguel Ta­buena sa taon kung saan naging malimit ang panalo sa hanay ng mga Filipino athletes.

Dahil sa kanilang mga ta­gumpay ay igagawad kina Nietes, Donaire at Tabuena ang co-Athletes of the Year award sa PSA Annual Awards Night na inihahandog ng MILO at San Miguel Corp. sa Pebrero 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

“Nonito Donaire Jr., Don­nie Nietes, and Miguel Tabuena again showed and proved to the world what Filipino athletes are made of as proof of their triumph and success in their respective fields last year. As the country’s sources of pride, all three are truly deserving of the Athlete of the Year honor,” sabi ni PSA president Riera Mallari ng Manila Standard.

Ito ang unang pagka­kataon sa nakaraang tatlong taon na magkakaroon ng multiple awardees para sa PSA Athlete of the Year award na ibinibigay ng pi­nakamatandang media organization sa mga karapat-dapat na mga atleta at ko­ponan na gumawa ng ka­nilang marka sa partikular na taon.

Pinagsaluhan nina Do­naire at lady boxer Josie Ga­buco kasama ang Team Manila at  Ateneo Blue Eagles ang PSA Athlete of the Year honor noong 2012.

Ito ang ikaapat na pag­ka­kataon na pararangalan si Donaire (2007, 2011, 2012) ng sportswriting fraternity ng parehong award, habang ito naman ang una para kina Nietes at Ta­buena.

Matapos maisuko kay Nicholas Walters ang world featherweight title noong 2013 ay umiskor naman si ‘Filipino Flash’ ng second round technical knockout win kay William Prado no­ong Marso at nanalo kay Anthony Settoul matapos ang apat na buwan.

Tinakasan naman ng 33-anyos na si Donaire si Mexican Cesar Juarez pa­ra angkinin ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super bantam­weight title sa kanilang la­ban noong Disyembre sa San Juan, Puerto Rico.

Samantala, binuksan ni Nietes ang 2015 nang maging longest reigning Filipino world champion ma­tapos ungusan ang da­ting record na pitong taon at tatlong buwan ni boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde.

Matagumpay na naidepensa ng 33-anyos na si Nietes ang kanyang bitbit na 108-lbs belt laban kina Gilberto Parra, Francisco Rod­riguez Jr. at Juan Alejo.

Tinalo ni Nietes si Alejo via 12-round unanimous de­cision sa kanyang US debut sa StubHub Center sa Carson, California.

Sa golf, inungusan ng 22-anyos na si Tabuena si Scott Barr ng Australia sa pamamagitan ng single stroke para kunin ang kauna-unahan niyang Philippine Open cham­pionship.

Pinakinang ni Tabuena ang kanyang panalo nang ipasok ang anim na birdies para muling maghari sa Lui­sita Gold and Country Club sa Tarlac at iposte ang course record.

Ginawa niya ito tatlong buwan bago ang Philippine Open.

Pararangalan din ng sporstwriting association ang mga gold medal winners ng nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

ACIRC

ANG

ANNUAL AWARDS NIGHT

ANTHONY SETTOUL

ATHLETE OF THE YEAR

DONAIRE

NIETES

NONITO DONAIRE JR.

PHILIPPINE OPEN

SHY

TABUENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with