^

PSN Palaro

91 Season NCAA men’s volleyball Altas Spikers swak sa Final 4

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumandal ang University of Perpetual Help sa matikas na laro ng bench players nito upang hatakin ang pahirapang 23-25, 25-19, 27-29, 25-15, 15-7 panalo laban sa San Beda College kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 91 men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa  sina Relan Tano, Neil Barry Ytorzaita at John Patrick Ramos para tulungan ang Altas na makuha ang ka­nilang ikapitong sunod na panalo at makalapit sa inaasam na sweep sa eliminasyon.

“Our second group stepped up really big, that was crucial,” wika ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Awtomatikong nakuha ng Perpetual ang tiket sa Final Four at kung makukum­pleto nito ang nine-game sweep, agad itong uusad sa finals kalakip ang thrice-to-beat advantage.

Ngunit bago maisakatuparan ang sweep, daraan sa matinding pagsubok ang Perpetual dahil makakaharap nito ang nagdedepensang Emilio Aguinaldo College sa Biyernes at Colegio de San Juan de Letran sa Linggo.

Sa women’s division, ginapi ng Perpetual Help ang San Beda, 25-19, 25-21, 25-22 para mapatatag ang kapit nito sa ikaapat na puwesto taglay ang 5-2 rekord.

Nangunguna ang San Sebastian College na may imakuladang 7-0 marka habang magkasalo sa ikalawang puwesto ang reig­ning titlist Arellano University at College of St. Benilde na may  6-1 karatada.

Sa juniors, nanatli ring malinis ang rekord ng Perpetual Help nang ilampaso nito ang San Beda, 25-14, 25-19, 25-8 para sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Kinakailangang manalo ng Junior Altas laban sa EAC Brigadiers (5-1) at Letran Squires (2-4) para makasiguro rin ng awtomatikong tiket sa finals.

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JOHN PATRICK RAMOS

JUNIOR ALTAS

LETRAN SQUIRES

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with