^

PSN Palaro

Kobe-less Lakers bugbog sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Matapos ang papilay-pilay na paglakad ni Stephen Curry bunga ng kanyang sore left leg, inisip ni Golden State coach Luke Walton na kailangan ng reigning MVP na magpahinga matapos ang isa na namang malaking panalo ng Warriors.

Alam ni Walton na hindi mapapakali si Curry kapag wala sa loob ng court.

Humugot si Klay Thomp­son ng 22 sa kanyang 36 points sa first quarter at nagdagdag si Curry ng 17 markers bago siya ipahinga sa fourth period sa 109-88 paggupo ng Golden State sa Los Angeles Lakers.

Ang defending champion Warriors ang naging unang NBA team na naka­pagtala ng 33 panalo sa kanilang 35 games.

Nanatili sa laro si Curry matapos magbanggaan ang kanilang mga binti ni Roy Hibbert sa third quarter kung saan nadismaya ang star guard.

Hindi siya nakita sa da­­lawang laro ng Warriors dahil sa bruised lower left leg noong nakaraang linggo bago nakabalik sa huling tatlong laban ng Golden State para sa kanilang 33-2 start sa season.

Pumayag lamang si Curry na magtungo sa locker room bago magsi­mula ang fourth quarter kung saan kumamada ang Warriors ng 22 sunod na puntos laban sa Lakers.

Hindi naglaro si B­ryant sa ikatlong sunod na pagkakataon dahil sa sore right shoulder sa panig ng Lakers, natapos ang three-game winning streak.

Sa Dallas, nagsalpak si Deron Williams ng isang 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer sa second overtime para akayin ang Mavericks sa 117-116 pagtakas laban sa Sacramento Kings.

Ito ang kanilang ika-22 sunod na home victory kontra sa Kings.

Kinuha ni Williams ang inbounds pass mula kay Devin Harris sa natitirang 2.3 segundo at isinalpak ang kanyang game-winning triple.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DERON WILLIAMS

DEVIN HARRIS

GOLDEN STATE

KLAY THOMP

LOS ANGELES LAKERS

LUKE WALTON

ROY HIBBERT

SA DALLAS

SACRAMENTO KINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with