^

PSN Palaro

Lyceum booters inilagay sa kumplikadong sitwasyon ang EAC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilampaso ng Lyceum of the Philippines University ang Emilio Aguinaldo College, 12-0 para buhayin ang kanilang tsansa sa semifinal round ng  91st NCAA football tournament sa Rizal Memorial pitch.

Sumipa si Mariano Suba ng anim na goals, kasama ang apat sa second half, para akayin ang Pirates sa ikala­wang panalo sa limang laro sa ilalim ng  No. 4 Generals na may 2-2 baraha.

Tuluyan nang masisibak ang EAC sa semis kung makakaungos ang LPU dahil sa mas maganda nilang goal differential, -22 to -26.

Kasalukuyang may magkatulad na 4-0 marka ang nagdedepensang San Beda at College of St. Benilde, ngunit may mas mahusay na goal differential ang Red Lions kumpara sa Blazers, 58-54.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Arellano (4-1).

Iniskor ni Suba ang una niyang goal sa 15th minute kasunod ang ikalawa matapos ang 11 minuto na pina­git­naan ng tirada ni Noli Dollentes sa 11th minute.

Ang dalawang goals ni Beejay Gonzales ang nagbigay sa Pirates ng 5-0 lead sa halftime.

Sa second frame ay apat na goals ang kinana ni Suba para selyuhan ang panalo ng Lyceum.

Ang iba pang umiskor para sa Pirates ay sina Christopher Villanueva at Zynedyne Peñaflor.

ACIRC

ANG

BEEJAY GONZALES

CHRISTOPHER VILLANUEVA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

MARIANO SUBA

NOLI DOLLENTES

RED LIONS

RIZAL MEMORIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with