9-teams handa na sa pagsikad ng PBA D-League
MANILA, Philippines – Handa na ang lahat para sa pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) D-League Aspirants’ Cup na gaganapin sa Enero 21 sa The Arena sa San Juan City.
Siyam na koponan ang magbabakbakan kung saan unang sasalang ang Caida Tile Master at Tanduay Rhum Masters sa alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng University of the Philippines QRS/Jam Liner at BDO-National University sa alas-4.
Magkakaroon ng simpleng opening ceremonies sa ala-una ng hapon.
Maliban sa apat, magtatangka rin sa kumperensiyang ito ang Phoenix Petroleum-Far Eastern university, AMA University Online Education, Cafe France Bakers-Centro Escolar University, Mindanao Aguilas at Wangs Basketball.
Ang siyam na koponan ay maglalaban-laban sa single round-robin elimination kung saan ang walong mangunguna ang siyang uusad sa quarterfinals.
Sa quarterfinals, maghaharap ang No. 1 at No. 8, No. 2 at No. 7, No. 3 at No. 6, at ang No. 4 at No. 5. Ang No. 1 hanggang No. 4 teams ay magtataglay ng twice-to-beat advantage.
Ipatutupad ng liga ang best-of-three sa semis at best-of-five naman sa finals.
Kung magkakaroon ng pagtatabla sa pagtatapos ng eliminasyon, ito ay reresolbahin sa pamamagitan ng PBA quotient system.
Matapos ang opening day games, magpapatuloy ang aksiyon sa Enero 25 sa Ynares Arena sa Pasig City tampok ang banggaan ng Cafe France Bakers-CEU at Mindanao Aguilas sa alas-2 at Phoenic Petroleum at Wang Basketball sa alas-4.
- Latest