^

PSN Palaro

Pagkaretiro, Pacquiao handang bumalik kung si Mayweather ang kalaban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa Abril na ang huling laban ni Manny Pacquiao kontra kay Timothy Bradley upang magretiro at tutukan ang politika ngunit kung lalabanan siyang muli ni Floyd Mayweather ay kaagad siyang babalik sa gitna ng ring.

“I have been very vocal about it (fighting Mayweather) even before the Bradley fight was made official on New Year's Eve,” wika ni Pacquiao sa Philboxing.com.

"The reason is simple, I want to end my 21-year boxing career with a big bang so to speak," dagdag ng eight-division champion.

Natalo si Pacquiao sa pagkikita nila ni Mayweather nitong Mayo 2015 sa tinatayang richest fight in boxing history.

Marami ang nadismaya dahil hindi maaksyon ang nasaksihan nila sa pagitan ng dalawang premyadong boksingero.

“And what would be the biggest fight to end a career than fighting the best and finest boxer at least in this era? We could have given that last May when we faced each other but due to unavoidable circumstances, sports fans failed to get the results they wanted,” ani Pacquiao.

Nagretiro na rin si Mayweather matapos bugbugin si Andre Berto, habang si Pacquiao ay nakatakdang labanan sa ikatlong pagkakataon si Bradley sa Abril 9.

Hindi masiyado pinag-usapan ang huling laban ni Mayweather at ang paparating naman na laban ni Pacquiao ay tila wala masiyadong interes na nakukuha sa publiko.

“Not that Floyd's legacy and mine can still be questioned, but wouldn't it be more colorful and meaningful closing our respective careers on higher notes at the same time putting an end, too, on the business we started but we were unable to finish?”

ABRIL

ACIRC

ANDRE BERTO

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

MAYWEATHER

NEW YEAR

PACQUIAO

SA ABRIL

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with