No Protest
Tutal Pasko naman ay hindi na nag-file ng protesta ang Ginebra matapos ang napakasaklap na talo sa Globalport nung Linggo sa MOA Arena.
Tinanggap nila ang pagkatalo.
Dahil dito, sibak ang Ginebra. Hindi umabot sa semis ng PBA Philippine Cup. Ang Globalport ang makakalaban ng Alaska sa best-of-seven semis.
Makakaharap naman ng San Miguel Beer ang Rain or Shine sa kabilang semis simula sa Jan. 4. Ang mananalo, diretso sa finals. Best-of-seven din.
Patayan ang format. Matira ang matibay.
Mabalik tayo sa Ginebra.
Matapos ang isang ‘di kapani-paniwalang panalo sa Star Hotshots ay kinapos naman sila sa Globalport. Hindi na-control ng Ginebra ang laro.
Humahabol at tumatabla lang at nakatikim ng konting kalamangan.
Sa last eight seconds, lamang ang Globalport, 84-83, at bola pa nila. Napunta kay Stanley Pringle ang bola at hinawakan niya ito sa mahigit na limang segundo.
Nang maipasa niya, sumunod na ang buzzer.
Sa PBA rules, bawal hawakan ng isang player ang bola ng mahigit limang segundo na hindi nagdi-dribble o kaya ay napapaligiran ng mga bantay.
Nakalimutan siguro magbilang ng referees kaya hindi natawag ang violation.
Pwede ring na-foul si Pringle. Penalty. Tumigil sana ang oras at kung sumablay ang Globalport sa free throw, may pag-asa pa ang Ginebra.
Puwede rin may backing violation si Pringle. .
Akala ng lahat ay magpo-protesta ang Ginebra kahapon. Pero hindi na nila ito ginawa.
Sport lang.
Samantala, pinatawag ni commissioner Chito Narvasa ang mga referees kahapon sa isang meeting.
Matapos kastiguhin ay pinatawan ito ni Kume ng parusa--suspendido sa buong 2015-2016 Philippine Cup.
- Latest