Kanter gumana sa Thunder
OKLAHOMA CITY— Si Enes Kanter ay inilista bilang isang 6-foot-11, ngunit kilala sa kanyang pagiging ‘under-the-rim’ player, ayon sa kanyang teammate na si Kevin Durant.
Umiskor si Kanter ng 11 sa kanyang 21 points sa loob ng limang minuto para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 122-112 panalo laban sa Denver Nuggets.
“I just want to help my team win,” sabi ni Kanter.
Kumolekta naman si guard Russell Westbrook ng 30 points, 12 assists at 9 boards na isang rebound lamang ang agwat para sana sa kanyang ikaapat na triple-double sa season.
Bumalikwas ang Thunder mula sa 11-point deficit sa second half para talunin ang Nuggets.
Itinala naman ni Durant ang kanyang pang-walong double-double sa season sa tinapos na 26 points at 10 assists para sa Thunder, naipanalo ang 10 sa kanilang huling 12 laro ngunit nagmula sa Christmas Day loss sa Chicago Bulls.
Isang 11-2 atake ang ginawa ng Oklahoma City na tinampukan ng tip in ni Kanter mula sa mintis ni Serge Ibaka para sa kanilang 98-97 abante sa 7:50 minuto ng laro.
Ang ikalawang dunk ni Kanter sa huling 4:33 minuto ang naglayo sa Thunder sa Nuggets sa 109-102.
Naglista naman si Kenneth Faried ng 25 points at 11 points para sa Denver.
Sa Memphis, kumana si Mike Conley ng 19 puntos at nagdagdag naman si Jeff Green ng 17 puntos para trangkuhan ang Grizzlies sa 112-96 tagumpay laban sa Los Angeles Lakers.
Ang panalo ang tumapos sa dalawang dikit na kabiguan ng Grizzlies, habang natikman naman ng Lakers ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo at ikalima sa huling anim na laro.
Sa iba pang resulta, pinagulong ng Boston Celtics ang New York Knicks, 100-91 habang pinataob ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings sa iskor na 98-94.
- Latest