^

PSN Palaro

Collegiate Yearender: Knights tinapos ang 10 taon na pagkauhaw sa NCAA title

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naibalik ng Colegio de San Juan de Letran ang ning­ning sa kanilang mga ma­ta matapos masungkit ang kampeonato sa NCAA Season 91 men’s bas­ketball upang matamis na tuldukan ang kanilang isang de­kadang pagka­u­haw sa titulo.

Ngunit hindi naging madali ang daang tinahak ng Letran bago makuha ang ka­nilang ika-17 titulo sa pi­nakamatandang liga sa bansa dahil kinailangan mu­na nitong dumaan sa bu­tas na karayom bago ali­san ng pangil ang San Be­da College.

Nakuha ng Knights ang 2-1 panalo sa kanilang best-of-three championship series kung saan naitala nito ang 94-90 panalo sa Game 1 bago naitabla ng Red Lions ang serye bun­sod ng 68-61 panalo sa Game 2.

Matinding pukpukan ang nasilayan sa Game 3 ngunit higit na lumutang ang determinasyon at puso ng Letran nang itarak nito ang 85-82 overtime win para tuluyang angkinin ang panalo.

Umusad sa finals ang Letran nang itakas nito ang pahirapang 91-90 pana­naig kontra sa Mapua Ins­titute of Technolgy, samantalang ang San Beda ay nagtala ng magaan na 78-68 panalo kontra naman sa Jose Rizal University sa kanya-kanyang Final Four games.

Itinanghal na Finals Most Valuable Player si Mark Cruz matapos mag­su­mite ng average na 17.3 points, 6.3 rebounds, 4.3 assists at 3.0 steals sa ser­ye.

Gayunpaman, hindi na­ging solido ang seleb­rasyon ng Letran nang mag­desisyon si coach Al­din Ayo na iwa­nan ang Knights ilang linggo matapos ang kanilang ma­tamis na tagumpay.

Kinuha si Ayo ng De La Salle University upang palitan ang dating mentor na si Juno Sauler sa susunod na edis­yon ng UAAP.

Maliban kay Ayo, mala­king kawalan din para sa Knights sina Cruz at Kevin Racal na natapos na ang ka­nilang playing years sa li­ga at kasalukuyan nang nag­lalaro sa PBA Philippine Cup. Si Cruz ay nasa Star Hotshots, habang si Racal ay bahagi na ng Alaska Aces.

Gumawa rin ng ingay si Nigerian Allwell Oraeme nang makuha ang Season MVP at Rookie of the Year awards para maging ikatlong manlalaro sa liga na nakakuha ng na­turang mga parangal sa iisang taon.

Nauna nang nagawa ito nina Gabby Espinas ng Philippine Christian University (2004) at Sam Ekwe ng San Beda (2006).

Pasok sa Mythical Five sina Art Dela Cruz ng San Beda, Jiovanni Jalalon ng Arellano at sina Bright Akhuetie at Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help.

Sa kabila ng mala-roller coaster na nangyari sa Let­ran, umaasa ang Knights na mas magi­ging determi­na­do ang kanilang tropa na maipagtanggol ang titulo sa susunod na taon.

ACIRC

ALASKA ACES

ANG

ART DELA CRUZ

AYO

BRIGHT AKHUETIE

DE LA SALLE UNIVERSITY

EARL SCOTTIE THOMPSON

LETRAN

SAN BEDA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with