^

PSN Palaro

Baldwin sinimulan na ang programa ng Ateneo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinimulan na ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ang pagbalangkas sa programa nito para sa Ateneo de Manila University na magtatangkang maibalik sa kanilang teritoryo ang kampeonato sa UAAP men’s basketball.

Sinabi ni Baldwin na unti-unti nang nabubuo ang kanilang plano upang matiyak na handang-handa ang Blue Eagles bago sumabak sa ika-79 edis­yon ng liga.

Wala pang opisyal na designasyon si Baldwin sa Ateneo coaching staff ngunit hindi ito problema para sa kanya dahil nais lamang nitong tulungan ang koponan sa kanilang programa.

“We’re under way. We’re planning, we’re preparing and I’m thrilled. What name that I’m gonna have in terms of title is pretty irrelevant for me. I know what my job would be. I know I would be there to help young men achieve their aspiration. That’s what I’m gonna do in whatever capacity they call it in the end,” aniya.

Si Baldwin ang itinalaga ng Ateneo upang saluhin ang naiwang programa ni coach Bo Perasol na nagpasyang magbitiw sa puwesto noong Oktubre.

Subalit maraming ki­lay ang nagtaasan nang i-anun­siyo ng Ateneo ang pagkuha kay Baldwin kabilang na ang ilang miyembro ng Basketball Coaches Association of the Philippines.

Sabik na si Baldwin na maibahagi ang kanyang nalalaman sa mga ba­gitong miyembro ng Blue Eagles.

Dati nang humawak ng college team si Baldwin sa Estados Unidos noong dekada 80 kung saan minanduhan nito ang Auburn Montgomery at Central Florida.

Nilinaw ni Baldwin na prayoridad pa rin nito ang kanyang tungkulin bilang head coach ng Gilas Pilipinas. Kailangan lang aniya ng tamang time management upang hindi magkabangga ang iskedyul ng dalawang koponan.

ACIRC

ANG

ATENEO

AUBURN MONTGOMERY

BALDWIN

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BLUE EAGLES

BO PERASOL

CENTRAL FLORIDA

ESTADOS UNIDOS

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with