^

PSN Palaro

So giniba ang American GM

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilista ni Grandmaster (GM) Wesley So ang kanyang ikalawang sunod na panalo upang makisalo sa liderato kasama ang wa­long manlalaro sa 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.

Ginapi ng 22-anyos na si So si GM Daniel Na­roditsky ng United States sa second round para paangatin ang kanyang puntos sa 2.0.

Kasama ni So sa una­han sina GM Anish Giri ng Netherlands, GM Yu Yangyi ng China, GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland, International Master (IM) Daniil Yuffa ng Russia, GM Li Chao ng China, GM David Howell ng England, GM Dariusz Swiercz ng Poland at GM Sethurman Panayappan Sethuraman ng India na umiskor rin ng panalo sa kani-kanilang second-round matches.

Namayani sina Giri kay GM Nils Grandelius ng Sweden, Yu kay GM Nejamin Bok ng Netherlands, Wojtaszek kay IM Lin Chen ng China, Yuffa kay GM Viktor Bologan ng Moldova, Li kay GM Ale­xander Ipatov ng Turkey, Howell kay GM Antoaneta Stefanova ng Bulgaria, Swiercz kay Alireza Firouzja ng Iran, at Sethuraman kay Harshit Raja ng India.

Nasa grupo ng 1.5-pointers sina top seed Carlsen Magnus ng Norway at second pick Vladimir Kramnik ng Russia matapos magtala ng magkaibang resulta.

Tinalo ni Magnus si GM Chitambaram Aravindh ng India habang nauwi sa draw ang laro ni Kramnik laban kay GM Kacper Piorun ng Poland.

Target ni So na maku­ha ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagtuos kay Howell sa third round ng torneong may nakalaang $25,000 para sa magkakampeon.

Maghaharap din sina Giri at Wojtaszek, Sethuraman at Li, Yu at Swiercz, Magnus at Yuffa, at Kramnik at GM Daniele Vocaturo ng Italy sa kani-kanilang third-round games.

ACIRC

ALIREZA FIROUZJA

ANISH GIRI

ANTOANETA STEFANOVA

ASPIRE ZONE

CARLSEN MAGNUS

CHITAMBARAM ARAVINDH

DANIEL NA

DANIELE VOCATURO

DANIIL YUFFA

KAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with