^

PSN Palaro

Pinoy paddlers sumagwan ng ginto sa Thailand

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng magandang pamasko ang Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation matapos makasungkit ng gintong medalya sa Thailand International Swan Boat Races 2015 na ginanap sa Chao Phraya River sa Bangkok, Thailand.

Nairehistro ng Pinoy paddlers ang impresibong dalawang minuto at 11.55 segundo upang masi­guro ang unang puwesto sa Small Boat 500-meter Race.

Naungusan ng Pilipinas ang host Thailand na nagsumite ng 2:12.82 para magkasya sa pilak na medalya gayundin ang Singapore na tumapos naman sa ikatlong puwesto nang magtala ito ng 2:15.64.

Nasa ikaapat lamang ang South Korea na may nailistang 2:16.39.

“We competed against national teams from different countries. And again, for the second time this year after Asian Dragon Boat Championships, we won against Thailand dragon boat national team,” pahayag ni national dragon boat head coach Len Escollante.

Magugunitang umani ng dalawang gintong medalya ang national dragon boat team sa 2015 Asian Dra­gonboat Championships na ginanap sa Palembang, Indonesia noong Nobyembre kung saan kampeon ang Pilipinas sa Small Boat Open 500-meter at Small Boat Open 200-meter events.

“Magandang regalo ito sa amin at sa ating mga kababayan ngayong pasko. Hindi kami titigil sa ensayo dahil gusto naming paghandaan ang mga susunod pang international competitions na sasalihan namin next year,” dagdag ni Escollante.

Ang Pinoy squad ay regular nang humahakot ng medalya sa mga international tournaments.

Noong nakaraang taon, umani ng limang ginto, tatlong pilak at tatlong tanso ang koponan sa prestihiyosong 2014 International Canoe Federation (ICF) Dragon Boat World Championships na ginanap sa Poznan, Poland.

Nakaginto ito sa juniors men 500m, juniors men 200m, seniors men 200m 20-seater, seniors men 200m 10-seater at seniors mixed 200m.

ACIRC

ANG

ANG PINOY

BOAT

CHAO PHRAYA RIVER

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIPS

INTERNATIONAL CANOE FEDERATION

LEN ESCOLLANTE

SMALL BOAT OPEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with