^

PSN Palaro

New Zealand juniors puwedeng lumaro sa Pinas sa SEA, Asian Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayon pa lang ay bumubuo na ang Squash Ra­ckets Association of the Philippines (SRAP) ng solidong koponang isasabak sa malalaking international tournaments gaya ng Southeast Asian Games at Asian Games.

Kabilang sa mga tinututukan ng SRAP ang bagitong sina Matt Lucente at Rafa Yam na aktibong nag­lalaro sa ilang malala­king torneo sa New Zealand.

Kabilang sina Lucente at Yam sa New Zealand natonal junior team.

Ayon kay SRAP President Bob Bachmann, ma­aaring maglaro para sa Pilipinas sina Lucente at Yam dahil sa kanilang dual citizenship.

Sa katunayan, umuwi pa ng Pilipinas sina Lucente at Yam upang magpartisipa sa ginanap na SRAP National Open sa Makati Sports Club noong nakaraang linggo kung saan nakipagsabayan ang mga ito sa mga mas beteranong netters.

Nagbulsa ang 15-an­yos na si Lucente ng tansong medalya matapos ta­lunin sina Bachmann, 11-4, 11-5, 11-2; Dondon Espinola, 8-11, 11-5, 11-8, 11-7 at Mac Mac Begornia, 11-9, 7-11, 7-11, 11-8, 11-2.

Yumuko si Lucente sa semifinals kontra sa national team member Robert Garcia, 11-9, 11-5, 11-7.

Sa kabilang banda, nakaabot ng quarterfinals si Yam nang magtala ng panalo kay Ryan Lutz, 11-9, 11-3, 11-3.

Natalo ito kay Espinola sa quarterfinals, 11-9, 4-11, 6-11, 11-8, 11-6.

Si Yam ang team captain ng All-New Zealand national high school seniors team habang si Lucente ay nagkampeon sa Under-17 North Island Tourna­ment na ginanap sa New Zealand sa taong ito.

ACIRC

ALL-NEW ZEALAND

ASIAN GAMES

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DONDON ESPINOLA

KABILANG

LUCENTE

MAC MAC BEGORNIA

MAKATI SPORTS CLUB

MATT LUCENTE

NEW ZEALAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with