^

PSN Palaro

Bitoon nakuntento sa silver sa Malaysia chessfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasya sa pilak na medalya si Grandmaster (GM) Richard Bitoon matapos makalikom ng pitong puntos sa 2nd Johor International Chess Open na ginanap sa Johor Bahru City Square Office Tower sa Malaysia.

Nagtala si Bitoon ng anim na panalo at dalawang draw para masiguro ang ikalawang puwesto.

Sa katunayan, kasosyo ni Bitoon sa No. 2 spot si FIDE Master Dang Hoang Son ng Vietnam na umiskor din ng pitong puntos.

Subalit nakuha ng Pinoy master ang pilak dahil sa mas mataas na tiebreak points habang nagkasya sa tanso si Hoang Son.

Nasungkit ni Internatio­nal Master (IM) Ali Muhammad Lutfi ng Indonesia ang unang puwesto tangan ang 7.5 puntos mula sa anim na panalo at tatlong draw.

Kabilang sa mga tinalo ni Bitoon sina Zain Izzudin ng Brunei Darussalam sa first round, Niranjan Valagund ng India sa second round, IM Nguyen Van Hai ng Vietnam sa fifth round, Vo Than Ninh ng Vietnam sa sixth round, Hoang Son sa seventh round at GM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam sa eighth round.

Naka-draw si Bitoon kina Lutfi sa third round at IM Narayanan Srinath ng Indonesia sa ninth round habang ang nag-iisang kabiguan nito ay mula sa kamay ni IM Mhamal Anu­rag ng India sa fourth round.

Magkasalo sa ika-10 puwesto ang iba pang Pinoy na sina IM Oliver Dimakiling at IM Haridas Pascua na may parehong naipong tig- 5.5 puntos habang ika-53 naman si Jelvis Calvelo na may tatlong puntos.

ACIRC

ALI MUHAMMAD LUTFI

BITOON

BRUNEI DARUSSALAM

HARIDAS PASCUA

HOANG SON

JELVIS CALVELO

JOHOR BAHRU CITY SQUARE OFFICE TOWER

JOHOR INTERNATIONAL CHESS OPEN

MASTER DANG HOANG SON

ROUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with