^

PSN Palaro

3 laban nakalinya kay Donaire sa 2016

Joaquin M. Henson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong beses dapat lumaban si WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa susunod na taon base sa kanyang nilagdaang one-year contract sa Top Rank,

Nanggaling ang 33-anyos na si Donaire sa unanimous decision win kay Mexican Cesar Juarez para muling angkinin ang WBO 122-pound crown sa San Juan, Puerto Rico.

Dalawang beses niyang pinabagsak si Juarez sa fourth round bago nagkaroon ng foot injury sa sixth round.

Nakatakdang magtungo si Donaire at ang kanyang pamilya sa Pilipinas sa Huwebes sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight mula sa Los Angeles.

Ayon kay Donaire, payag siyang bigyan ng rematch si Juarez, ngunit may iba pa siyang maaaring labanan sa 2016.

Isa rito ay ang mananalo sa IBF/WBA superbantamweight unification championship duel nina Carl Frampton at Scott Quigg sa Feb. 27, 2016 sa Manchester.

Nauna nang inayos ng manager ni Donaire na si Ca­meron Dunkin ang laban ng una kay Quigg para sa WBA title bago bumagsak ang usapan nang alukin si Frampton ni Quigg ng unification showdown.

Ang isa pang option ni Donaire ay ang makatapat si WBO No. 1 contender Jessie Magdaleno.

Nang tanggalan ng WBO ng super bantamweight belt si Guillermo Rigondeaux ay itinaas ng governing body si Juarez bilang No. 1 contender kasunod sina Donaire at Magdaleno.

Sinabi ng WBO na ang mananalo kina Donaire at Juarez ang lalaban kay Magdaleno bilang mandatory challenger.

Ang 24-anyos na si Magdaleno ay may malinis na 22-0 win-loss record kasama ang 16 knockouts at maaaring bigyan ng magandang laban si Donaire.

Puwede ring muling labanan ni Donaire si Rigondeaux na tumalo sa kanya noong 2013.

ANG

CARL FRAMPTON

DONAIRE

GUILLERMO RIGONDEAUX

JESSIE MAGDALENO

JUAREZ

LOS ANGELES

MAGDALENO

MEXICAN CESAR JUAREZ

NONITO DONAIRE JR.

PHILIPPINE AIRLINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with