^

PSN Palaro

Pinoy GMs magpipigaan ng utak sa 2nd Manny Pacquiao chessfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magbabakbakan ang pinakamahuhusay na Grandmasters sa bansa sa Second Manny Pacquiao Chess Championships na magsisimula ngayong araw sa SM Mall sa General Santos City.

Sinabi ni Grandmaster Eugene Torre na may 200 manlalaro mula sa 42 koponan ang nagkumpirma ng partisipasyon sa torneong may nakalaang P1.5 milyong pa-paremyo.

Pangungunahan ni GM Joey Antonio ang Team Pacman A  habang si GM Jayson Gonzales ang ibabandera ng Team Pacaman B at isasabak naman ng Team Tagaytay City si GM Darwin Laylo.

Magkakamit ng P400,000 premyo ang koponang magkakampeon habang may P220,000 naman sa ikalawa at P130,000 sa ikatlo.

Nakalaan ang P50,000 para sa magwawagi sa individual event samantalang may P30,000 at P20,000 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

Lalahok din sa nasabing chessfest ang mga Interna­tional Masters na kinabibilangan nina  Emmanuel Senador,  Rolando Nolte, Jan Emmanuel Garcia, Barlo Nadera, Ro­nald Dableo, Joel Pimentel, Kim Steven Yap at Yves Ranola.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARLO NADERA

DARWIN LAYLO

EMMANUEL SENADOR

GENERAL SANTOS CITY

GRANDMASTER EUGENE TORRE

JAN EMMANUEL GARCIA

JAYSON GONZALES

JOEL PIMENTEL

JOEY ANTONIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with