Nadal gustong bumalik sa Pilipinas
MANILA, Philippines – Bago niya lisanin ang gusali ay iniisip na ni tennis superstar Rafael Nadal ang pagbabalik sa Pilipinas na kaagad napalapit sa kanyang puso.
“I’ll go back and visit the islands and I’m excited to do that in the future,” wika ng Spanish tennis superstar sa pagtatapos ng IPTL Manila leg.
Dumating si Nadal sa bansa noong nakaraang Sabado at umalis kamakalawa ng gabi patungo sa New Delhi para sa third stop ng IPTL event.
Sinabi ng 29-anyos na si Nadal, pinagkaguluhan ng mga fans sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, na narinig na niya ang kagandahan ng Pilipinas.
Sa kasamaang palad ay kinapos siya ng panahon.
“I didn’t have time to visit the country and I know there are beautiful things here. I know there are amazing beaches,” sabi ni Nadal.
Umalis si Nadal, nanalo ng 14 Grand Slam titles, ng bansa dala-dala ang isang bag ng tennis rackets at magandang alaala
Sa tuwing nasa loob siya ng court ay walang tigil ang palakpakan sa kanya ng mga fans na tila naglalaro siya para sa kalabang Philippine Mavericks.
“The only thing I can say about the Philippines today is that the people are fantastic and amazing – from the moment I arrived,” wika ni Nadal.
“I really look forward to coming back soon,” dagdag pa ng Spaniard.
Sa Pilipinas ay ipinagbunyi siya bilang isang Hari.
- Latest