^

PSN Palaro

Globalport mainit

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging duwelo ang fourth quarter sa pagitan ng dating pinakamagaling na point guard sa PBA at ng sumisikat na playmaker.

Ngunit sa huli naipanalo ni Terrence Romeo ang Glo­balport para talunin ang Meralco ni Alapag, 108-104, at patibayin ang pag­hahabol sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tumapos si Romeo na may 33 points, tampok ang 5-of-10 shooting sa three-point range at 6-for-6 clip sa free throw line, para sa pangatlong sunod na ratsa­da ng Batang Pier (6-3).

Nagsalpak naman si Ala­pag ng apat na tres sa fi­­nal canto para sa kanyang 18 points sa panig ng nasibak nang Bolts (1-9).

“At least ‘yung objective ng team ay nakuha na namin and at least nasa No, 3, 4 or 5 spot kami,” sabi ni coach Pido Jarencio. “Going to the playoffs, kaila­ngan strong finish kami dito sa eliminations.”

Nang iposte ng Global­port ang 24-point lead, 80-56, sa third period mula sa triple ni Romeo ay nakabangon ang Meralco nang agawin ang unahan, 96-94, sa huling tatlong minuto ng fourth quarter.

Kumamada naman si Stanley Pringle ng dalawang tres bukod sa 3-point play ni Doug Kramer para muling iangat ang Batang Pier sa 103-96.

Ang tres ni Alapag ang mu­ling nagdikit sa Bolts sa 104-105 sa huling 18.5 segundo.

Sinelyuhan naman ni Ro­meo ang panalo ng Glo­balport sa kanyang da­lawang free throws sa na­titirang 16.3 segundo.

Globalport 108 - Romeo 33, Pringle 19, Wa­shington 15, Mamaril 8, Yeo 8, Jensen 7, Kramer 7, Maierhofer 6, Sumang 3, Semerad 2.

Meralco104 - Alapag 18, Hodge 17, Newsome 13, Nabong 13, Hugnatan 12, Faundo 11, David 8, Bue­nafe 7, Dillinger 4, Ca­ram 1, Al-Hussaini 0, Amer 0.

Quarterscores: 26-22; 55-44; 87-73; 108-104.

ACIRC

ALAPAG

ANG

BATANG PIER

CUNETA ASTRODOME

DOUG KRAMER

GLO

MERALCO

PASAY CITY

PHILIPPINE CUP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with