Pelicans diniskaril ang Cavs
NEW ORLEANS – Matapos malampasan ng New Orleans ang ratsada ni LeBron James sa fourth quarter at makapuwersa ng overtime, hinila ni injured veteran center Kendrick Perkins si Pelicans teammate Anthony Davis at binulungan.
“Perk told me, ‘This is the time where you’ve got to be great,’” sabi ni Davis kay Perkins. “Every time I caught the ball, I was looking to be aggressive and teammates were looking for me. ... So it was just about me knocking down the shots.”
Nagsalpak si Davis ng tatlong jump shots sa pagsisimula ng overtime para tumapos na may 31 points, 12 rebounds at 4 steals sa 114-108 panalo ng Pelicans kontra sa Cleveland Cavaliers ni James.
Nagdagdag si Eric Gordon ng 19 points kasunod ang 18 ni Ryan Anderson para sa Pelicans (5-15) na nagtala ng 13-point lead sa huling 7 minuto sa fourth quarter.
Bumangon naman ang Cavs sa likod ng 21 points ni James.
Ang triple ni Jrue Holiday ang nagtabla sa New Orleans sa Cleveland sa 105-105 sa huling 8 segundo kasunod ang mintis na jumper ni James, tumapos na may 37 points, patungo sa overtime.
Ang jumper ni Dante Cunningham ang nagbigay sa Pelicans ng 94-81 bentahe sa 6:52 minuto ng fourth period hanggang mag-init si James at ibigay sa Cavaliers ang 105-102 abante.
Nagdagdag si J.R. Smith ng 18 points sa panig ng Cleveland mula sa kanyang 6-of-13 3-point shooting, habang nagtala si Kevin Love ng 15 points at 10 rebounds.
Sa Dallas, umiskor si James Harden ng 25 points para igiya ang Houston Rockets sa 100-96 panalo laban sa Mavericks.
Naglista si Harden, naimintis ang una niyang 11 tirada sa kanilang home loss sa Dallas noong Oktubre ay nagtala ng 3-of-12 shooting sa first half bago kumamada ng 7-of-11 sa second half.
Kasama rito ang kanyang jumper sa huling apat na segundo na nagbigay sa Rockets ng four-point lead.
Sa Atlanta, kumamada si Al Horford ng 16 points, habang nagdagdag sina Paul Millsap at Kent Bazemore ng tig-15 markers para tulungan ang Hawks sa 100-87 paggiba sa Los Angeles Lakers na dumiskaril sa pinakahuling laro ni Kobe Bryant sa Atlanta.
Tumapos si Bryant na may 14 points mula sa 4-for-19 fieldgoal shooting.
Pinamunuan naman ni Lou Williams ang Lakers sa 18 points.
Sa Washington, tumipa si Bradley Beal ng 34 points at may 18 markers si Ramon Sessions para pagbidahan ang Wizards sa 109-106 pagtakas sa Phoenix Suns.
Nagposte naman si Eric Bledsoe ng 22 points kasunod ang 19 ni Brandon Knight sa panig ng Suns.
May 1-3 marka ngayon ang Suns sa six-game trip.
- Latest