^

PSN Palaro

Dinaig ang Blaze Spikers para kunin ang PSL title kampeon ang Tornadoes!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matinding puwersa ang pinakawalan ng Foton para hubaran ng korona ang Petron, 25-18, 25-18, 25-17, kahapon sa Game 3 ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix wo­men’s volleyball tournament finals series sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mainit ang palad ni Ame­rican import Lindsay Stalzer nang tumipa ng 25 puntos tampok ang 18 mula sa attack line para dalhin ang Tor­nadoes sa unang titulo.

Matamis ito para kay Foton head coach Vilet Ponce-De Leon na kinailangang talunin ang top seed Philips Gold sa semifinals, 25-18, 26-24, 18-25, 20-25, 15-8, bago maisaayos ang pa­kikipagtuos sa Petron sa championship round.

‘We’ve been praying for this and we’ve been working hard for this. It came sa right timing talaga nailabas namin lahat,” ani Ponce-de Leon na dating miyembro ng Pe­tron coaching staff bago lu­mipat sa Foton.

Sapat na suporta rin ang ibinigay ng isa pang re­in­forcement na si Katie Messing na bumira ng 14 pun­tos mula sa 12 atake at dalawang aces, habang nag­dagdag ng 11 puntos si 6-foot-5 Jaja Santiago.

Naramdaman ng husto ang lakas ng Tornadoes ma­tapos magpakawala ng 46 attacks kumpara sa 32 ng Blaze Spikers.

Nanguna para sa Blaze Spikers si Dindin Manabat na nagsumite ng 14 puntos su­balit hindi ito sapat para dalhin ang koponan sa ikatlong sunod na kampeonato.

Nalimitahan sa pitong pun­tos si Brazilian open hit­ter Rupia Inck, habang may dalawang puntos si All-Filipino Conference MVP Rachel Anne Daquis.

Itinanghal na Grand Prix MVP si Stalzer at Second Best Middle Blocker si Santiago at First Best Setter si Ivy Perez.

Kinilala si George Pascua ng Petron bilang Coach of the Year.

ACIRC

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG

BLAZE SPIKERS

COACH OF THE YEAR

CUNETA ASTRODOME

DINDIN MANABAT

FOTON

GRAND PRIX

PETRON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with