^

PSN Palaro

Non pansamantalang papalit kay Salud

NBeltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Philippine Basketball Association na sasaluhin lamang ni PBA board chairman Ro­bert Non ang binakanteng puwesto ni dating league pre­sident/CEO Chito Salud hanggang Enero.

Gagawin ito ni Non nang walang tatanggaping su­wel­do.

Sakaling makahanap ng kapalit ni Salud ay kaagad na iiwanan ni Non ang natu­rang puwesto.

Ang nasabing posisyon ay inialok kina dating PBA chairman Patrick Gregorio at vice chairman Erick Are­jola.

“The vice chairman declined, saying he’s very busy. Mr. Gregorio, meanwhile, said he can’t make an answer right away as he’s also busy,” sabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial.

At dahil sa wala kina Gre­gorio at Arejola na gustong sumalo sa trabaho ni Salud ay si Non ang napagkaisahan ng PBA Board na pansamantalang umakto bilang president/CEO.

“There are netizens reacting why from San Miguel again? Mr. Gregorio himself has said it’s not about the personality. It’s based on the structure,” dagdag pa ni Marcial.

Nauna nang hinikayat ni Non si Salud na ikunsidera ang kanyang pagbibitiw.

Ngunit hindi nagbago ng kanyang desisyon si Salud, ang pang-walong PBA Commisisoner.

“I talked to him Tuesday asking him if he can stay on until the end of the season and, later on, until the end of the all-Filipino tourney. But he’s really decided. Sabi nya pagbigyan ko naman daw siya,” wika ni Non.

Ang pagbibitiw ni Salud ay sinasabing kaugnay sa kawalan niya ng papel sa PBA matapos mahirang si Chito Narvasa bilang PBA Commissioner.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHITO NARVASA

CHITO SALUD

ERICK ARE

MR. GREGORIO

PATRICK GREGORIO

PBA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAN MIGUEL

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with