^

PSN Palaro

Japan kampeon sa Spike for Peace

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng tambalang Ayumi Kusano at Akiko Hasegawa ng Japan ang kanilang pagpa­pasiklab nang igupo ang Sweden, 21-19, 21-12  para ibulsa ang korona ng Spike for Peace International beach volley tournament kagabi sa Philsports Arena.

Ipinakita nina Kusano, isang veteran beach volley player at Hasegawa, isa sa pinakamahusay na indoor players ang kanilang teamwork na nagdomina sa nasabing event at iuwi ang top prize na $8,000.

Hindi nakaporma sina Anne-Lie Rininsland at Karin Lundqvist, na pina­kamatangkad na manla­laro sa Japanese pair’s all-around game at nakuntento sa runner-up na may premyong $5,000.

Hinablot ng Indonesia, ang giant-killer ng torneo, ang third place trophy matapos ilista ang 21-16, 19-21, 15-8 panalo laban sa Brazil sa beach volleyball event na inorganisa ng PSC.

Ibinulsa nina Juliana Dhita at Dini Putu ang premyong $4,000, habang nakuntento ang mga Brazilians sa $3,000.

ACIRC

AKIKO HASEGAWA

ANG

ANNE-LIE RININSLAND

AYUMI KUSANO

DINI PUTU

HASEGAWA

JULIANA DHITA

KARIN LUNDQVIST

PEACE INTERNATIONAL

PHILSPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with