^

PSN Palaro

Warriors tuloy ang ratsada; Bryant bida sa panalo ng Lakers

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE, North Carolina-- Sinabihan ni Charlotte Hornets broadcaster Dell Curry ang kanyang anak bago ang laro na, “do not ruin my night.”

Hindi pinansin ni Stephen Curry ang sinabi ng kanyang ama.

Umiskor ang reigning MVP ng 40 points sa tatlong quarters at magaang na pinabagsak ng nagde­depensang Golden State Warriors ang Hornets, 116-99, para palawigin ang kanyang best start sa NBA history sa 20-0.

Sa gabi kung saan ibi­nigay ng Hornets kay Dell Curry, ang career scoring leader ng prangkisa, ng isang “key to Buzz City,” inagaw ng kanyang panganay na anak ang spotlight nang magsalpak ng 14-of-18 fieldgoal shooting at 8-for-11 sa 3-point range.

Umiskor si Stephen Curry, lumaki sa Charlotte at nagbida para sa Davidson College, ng 28 points sa third quarter, kasama rito ang huling 24 points ng Warriors.

Matapos igiya ang Warriors sa pagtatayo ng 21-point cushion ay ipinahinga na si Stephen Curry sa fourth quarter.

Sa Washington, umiskor si Kobe Bryant ng 12 sa kanyang season-high 31 points sa fourth quarter para igiya ang Los Angeles Lakers sa 108-104 paglu­sot sa Wizards.

“I thought everybody hated me,” sabi ni Bryant sa kanyang final game sa Washington.

Tumapos si Bryant na may 10-of-24 fieldgoal shooting.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Detroit Pistons ang Phoenix Suns, 127-122 at dinaig ng San Antonio Spurs ang Milwaukee Bucks, 95-70.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRYANT

BUZZ CITY

CHARLOTTE HORNETS

DAVIDSON COLLEGE

DELL CURRY

DETROIT PISTONS

GOLDEN STATE WARRIORS

KOBE BRYANT

STEPHEN CURRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with