Petron gumana ang depensa para maitulak ang Game 3
MANILA, Philippines - Depensa ang naging armas ng defending champion Petron upang makabalik sa porma at makalapit sa inaasam na three-peat sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament.
Hindi magarbo ang posisyong libero ngunit pinatunayan ni Jen Reyes na isa ito sa malaki ang maitutulong dito upang tulungan ang Blaze Spikers na makuha ang 25-13, 25-21, 23-25, 26-24 panalo laban sa Foton kamakalawa ng gabi.
Naging madali ang trabaho ni Brazilian import Erica Adachi na makagawa ng 32 excellent sets - salamat sa 25 digs at 12 receptions ni Reyes para maipuwersa ng Petron ang do-or-die game.
“Kailangan ako ng team kaya kailangan kong gawin ang role ko. Hindi na baleng tamaan ako ng bola basta mai-angat ko lang ang mga palo ng kalaban at masaya ako dahil nagawa ko ito ng tama lalo na sa importante naming laban,” pahayag ni Reyes na makailang ulit nang tumanggap ng Best Libero at Best Receiver awards sa University Athletic Association of the Philippines.
Bagamat naibalik na ang kumpiyansa at init sa kanilang mga mata, hindi pa rin dapat maging kampante ang Blaze Spikers dahil mas mabigat na laban ang kanilang haharapin sa Game 3 na nakatakda sa Sabado sa Cuneta Astrodome.
Ilan sa mga pagtutunan ng pansin ng Blaze Spikers ang service area kung saan ilang importanteng puntos ang nasayang sa krusyal na sandali dahil sa masamang service. Paplantsahin din nito ang solidong net defense upang masawata ang atake nina Foton imports Katie Messing at Lindsay Stalzer gayundin ng middle blocker na si Jaja Santiago. CCo
- Latest