^

PSN Palaro

Pangil ng Tigers o sungay ng Tams?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan ang pukpukang labanan sa pagitan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University sa paglarga ng rubber match ng University Athletic Association of the Philippines Season 78 men’s basketball best-of-three championship series ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang duwelo ng Growling Tigers at  Tama­raws dakong alas-3:30 ng hapon kung saan inaasahang matinding bakbakan ang masasaksihan matapos magdeklara ng giyera ang magkabilang panig.

“Last game na namin ito kaya ibibigay na namin ang lahat. We just need to play as a team tulad ng ginawa namin sa Game 2. Just enjoy the game - yun ang parating sinasabi sa amin ni coach (Bong Dela Cruz),” pahayag ni Kevin Ferrer.

Ang 6-foot-4 small forward ang siyang pangu­nahing sasandalan ng Growling Tigers matapos ang kanyang ekplosibong 29-point performance tampok ang anim na tres sa 62-56 panalo ng UST sa Game 2 noong Sabado.

Magiging katuwang ni Ferrer ang kapwa beteranong sina Cameroonian Karim Abdul at Ed Daquioag na nagnanais magkaroon ng engrandeng pagtatapos sa kanilang collegiate career habang susuporta rin sina Louie Vigil, Jan Jan Sheriff at Kent Lao.

“Susundin lang namin yung game plan namin. Nasa amin yung momentum kailangan lamang namin i-enjoy ang laro both on defense and offense,” dagdag ni Daquioag.

Pakay ng UST na tul­dukan ang kanilang siyam na taong pagkauhaw sa titulo. Huling nagkampeon ang España-based squad noong 2006 nang patiklupin nito ang Ateneo de Manila University sa bisa ng 2-1 panalo sa serye.

Sa kabilang banda, haharap ang FEU tangan ang mas mabangis na mukha dahil naiwasiwas na nito ang masaklap na kabiguang tinamo sa Game 2.

Nais ng FEU na maulit ang kanilang 75-64 panalo sa Game 1 gamit ang tamang formula na siyang magdadala sa kanila tungo sa ika-20 korona.

Kilala ni FEU mentor Nash Racela ang kaniyang bataan at alam nito ang kapasidad ng bawat isa.

“These are veterans and I’m sure they’ll come back stronger,” ani Racela matapos magtala ng mababang 27.12 field goal shooting ang kanyang tropa sa Game 2.

Dominado ng Tamaraws ang rebounding kung saan may average itong 55.5 sa serye kumpara sa 37.0 lamang ng Growling Tigers.

Mamanduhan ang FEU ng beteranong sina Mac Belo, Roger Pogoy at Mike Tolomia kasama sina Prince Orizu, Francis Tamsi at Raymar Jose.

Solido ang ipinakitang laro ni Belo sa Game 1 at Game 2 kung saan may average itong 14.5 points at 12.0 boards habang si Pogoy ay may 13.5 ave­rage score.

Masama naman ang laro ni Tolomia na nalimita­han sa pitong puntos - lahat galing sa free throws -matapos ang kanyang 0-of-15 field goald shoo­ting at anim na turnovers.

ACIRC

ANG

BONG DELA CRUZ

CAMEROONIAN KARIM ABDUL

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN UNIVERSITY

FRANCIS TAMSI

GAME

GROWLING TIGERS

JAN JAN SHERIFF

KENT LAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with