^

PSN Palaro

NCAA women’s volleyball: Arellano sisimulan ang depensa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan ng reigning champion Arellano University ang pagdepensa sa kanilang titulo sa pagsisimula ng National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Unang haharapin ng Arellano ang Colegio de San Juan de Letran sa alas-10 ng umaga habang magtutuos naman sa unang laro sa alas-9 ang Emilio Aguinaldo Lady Generals at San Beda Lionesses.

“Hopefully, we could have a successful title repeat,” ani Arellano coach Obet Javier.

Sa pamumuno nina CJ Rosario at Menchie Tu­biera, pinatumba ng Arellano ang San Sebastian College-Recoletos sa iskor na 25-23, 25-19, 26-24 para maibulsa ang kanilang unang titulo sa liga noong nakaraang taon.

Magtutuos din sa unang araw ng kumpetisyon ang University of Perpetual Help at San Sebastian, Lyceum of the Philippines University at Mapua Institute of Technology at College of Saint Benilde at Jose Rizal University.

Uumpisahan naman ng defending titlist Emilio Aguinaldo College ang kanilang kampanya sa pakiki­pagtipan sa San Beda dakong alas-8 ng umaga bukas (Martes).

Dinala ni Howard Mojica ang General sa 25-21, 23-25, 25-19, 25-20 panalo laban sa St. Benilde Blazers para matamis na angkinin ang korona sa Season 90.

ACIRC

ANG

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

EMILIO AGUINALDO LADY GENERALS

HOWARD MOJICA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with