^

PSN Palaro

Beermen sinikwat ang tiket sa quarter finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpitas sa kanilang ikaapat na sunod na panalo ay nakamit din ng San Miguel ang ikalawang quarterfinals berth.

Sinandalan sina back-to-back Most Valuable PlayerJune Mar Fajardo at Arwind Santos sa fourth quarter, pinabagsak ng Beermen ang minamalas na Star Hotshots, 101-90, para makisosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sinamahan ng San Mi­guel sa quarterfinals ang Alaska para sa magka­tulad nilang 6-1 baraha, habang nalasap ng Star ang kanilang pang-apat na dikit na kamalasan sa 2-6 kartada.

“The reason for our surge is Arwind and June Mar.  They want to win,” sabi ni coach Leo Austria sa kanyang dalawang superstar.

Humakot ang 6-foot-10 na si Fajardo ng 27 points at 16 rebounds, habang kumolekta si Santos ng 22 markers, 7 boards, 3 assists, 3 blocks at 2 steals para sa Beermen, iniwanan ang Hotshots sa 88-73 sa 5:04 minuto ng final canto.

Nagawang maidikit ng Star ang laro sa 81-91 sa 2:36 minuto ng laro kasunod ang dalawang jumper ni Fajardo na muling nag­layo sa San Miguel sa 95-82 sa huling 1:31 minuto.

Sa unang laro, ginamit ng Mahindra ang kanilang mabigat na depensa para ungusan ang Meralco, 86-83, at ilista ang kanilang ikalawang panalo sa pitong laro.

Ang krusyal na supalpal ni guard LA Revilla sa tira ni veteran playmaker Jimmy Alapag sa huling posesyon ng Bolts ang nagpreserba sa naturang paglusot ng Enforcers.

Humakot si Aldrech Ramos ng 15 points at 9 rebounds, habang nagdagdag ng 14 markers si Mark Yee para sa Mahindra.

Muling binanderahan ni Gary David ang Meralco (1-7) mula sa kanyang game-hig na 18 points.

Mahindra 86 – Ramos 15, Yee 14, Pascual K. 12, Revilla 12, Pinto 10, Canaleta 8, Guinto 5, Laure 5, Dehesa 3, Hubalde 2, Bagatsing 0.

Meralco 83 – David 18, Al-Hussaini 15, Hodge 14, Alapag 10, Amer 10, Buenafe Ryan 6, Atkins 4, Newsome 4, Nabong 2, Dillinger 0.

Quarterscores: 16-12; 35-39; 58-64; 86-83.

San Miguel 101 – Fajardo 27, Santos 22, Cabagnot 11, Lassiter 10, Lutz 9, Ross 9, Espinas 8, Tubid 3, Araña 2, de Ocampo Y 0, Heruela 0, Mabulac 0, Omolon 0, Reyes JayR 0.

Star 90 –Yap 22, Barroca 15, Simon 10, Taha 10, Cruz Mark 7, Pingris 7, Pascual J 6, Mallari 5, Sangalang 4, Maliksi 2, Torres 2, Gaco 0, Melton 0, Pascual 0.

Quarterscores: 19-19; 43-41; 71-65; 101-90.

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANG

ARWIND AND JUNE MAR

ARWIND SANTOS

BEERMEN

FAJARDO

MAHINDRA

MERALCO

SAN MIGUEL

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with