^

PSN Palaro

Tigers diniskaril ang Tamaraws humirit ng do-or-die match

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang malakas na pu­wersa ang inilatag ng University of Santo Tomas sa second half upang sakmalin ang 62-56 panalo laban sa Far Eastern University at maipuwersa ang rubber match sa University Athletic Association of the Philippines Season 78 best-of-three championship series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Mabangis ang larong ipinamalas ni Kevin Ferrer nang tumipa ito ng 29 puntos tampok ang 6-of-10 shooting clip sa three-point area kasama pa ang 10 rebounds, dalawang assists at isang blocks para pamunuan ang Growling Tigers.

“Nag-usap usap kami sa dugout after nung first half na kailangan i-enjoy lang yung game. Nagpapasa­lamat rin ako sa teammates ko dahil binibigyan nila ako ng tiwala. Yung mga binibitawan ko (na three points) muscle memory lang. Basta tinitira ko lang,” ani Ferrer.

Naitabla ng Growling Tigers ang serye sa 1-1 matapos kubrahin ng Tamaraws ang 75-64 panalo sa Game 1 noong Miyerkules.

“Sabi ko sa mga bata, we should enjoy the game and at the same time, depensa tayo. Kailangan ng mental toughness. Nung first game kasi nawala yung enjoyment namin so sabi ko sa kanila ngiti lang tayo,” wika naman ni UST head coach Bong Dela Cruz na tinukoy din ang presensiya ni dating UST mentor Pido Jarencio bilang motibasyon ng kanyang tropa.

Sumuporta sina Came­roonian Karim Abdul na naglista ng 11 puntos at anim na rebounds habang bumawi si Ed Daquioag sa kanyang malamyang laro sa Game 1 nang tumapos ito tangan ang 10 puntos.

“Sabi ni coach nawawala raw yung smile ko bago maglaro kaya ibinalik ko lang. Kami basta gagawin lang namin yung gameplan ni coach,” pahayag ni Daquioag.

Hawak ng FEU ang 30-21 bentahe sa halftime ngunit isang mainit na ratsada ang pinakawalan ng UST sa pagsisimula ng ikatlong kanto kung saan bumanat ng kaliwa’t kanang tres si Ferrer para maagaw ng Growling Tigers ang kalamangan 47-37.

Nakabalik sa porma ang FEU sa likod ng pagsisikap nina Mac Belo, Mike Tolomia at Raymar Jose para mabawi ang abante, 54-50.

Subalit nasiguro ni Abdul ang mga krusyal na free throws kasama ang jumper ni Louie Vigil at split ni Daquioag upang muling dalhin ang UST sa unahan, 58-54, may 33 segundo na lamang ang nalalabi.

Mula rito ay hindi nakabangon pa ang FEU.

Tanging sina Belo (16) at Roger Pogoy (12) lamang ang nagtala ng double digits para sa Tamaraws kumpara noong Game 1 na limang manlalaro ng FEU ang umiskor ng double figures.

Nalimitahan sa siyam na puntos si Mike Tolomia at tatlo naman si Prince Orizu.

Bagamat muling dinomina ng Tamaraws ang rebounding, 55-42, malaking dagok para sa kanila ang 16 turnovers kung saan nakakuha ang Growling Tigers ng 14 puntos mula sa mga natu­rang pagkakamali.

Lalaruin ang Game 3 sa Miyerkules sa alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

ACIRC

ANG

BONG DELA CRUZ

DAQUIOAG

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN UNIVERSITY

GAME

GROWLING TIGERS

KARIM ABDUL

MIKE TOLOMIA

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with