^

PSN Palaro

Philippine Mavericks ibabandera ni Serena

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pinoy fans na masilayan ang mahuhusay na tennis players sa mundo sa gaganaping International Premier Tennis League (IPTL) sa Disyembre 6 hanggang 8 sa Mall of Asia  Arena sa Pasay City.

Hahataw ang Philippine Mavericks sa pa­ngu­nguna ni Women’s Tennis  Association (WTA) World No. 1 Serena Williams sa torneong suportado ng PLDT HOME Fibr.

Ang Manila Leg ay bahagi ng five-nation tour na magsisimula sa Dis­yembre 2 sa Kobe, Japan.

Darayo rin ito sa New Delhi sa India, Dubai sa United Arab Emirates at sa Singapore.

Kilala bilang ‘Meka’ at ‘Momma Smash’, inaasahang ilalabas ni Williams ang kanyang malalim na karanasan para dalhin ang Mavericks sa panalo.

May 34 titulo si Williams sa Grand Slam tournaments kung saan hawak nito ang kasaluku­yang korona sa Australian Open, French Open at Wimbledon.

Makakasama ni Williams sa Mavericks sina Mixed Doubles Grand Slam titleholder Richard Gasquet, Wimbledon Championships WTA ti­tle­holder Lisicki, 2013 Australian Open Mixed Doubles titleholder Jar­mila Gajdosova, ang pinakabatang manlalaro sa Association of Tennis Professionals (ATP) Top 100 na si Borna Coric, ATP World Tour Doubles titleholder at Pinoy pride Treat Huey at World No. 8 sa men’s singles at Mavericks Team captain  na si Mark Philippoussis.

ACIRC

ANG

ANG MANILA LEG

ASSOCIATION OF TENNIS PROFESSIONALS

AUSTRALIAN OPEN

AUSTRALIAN OPEN MIXED DOUBLES

BORNA CORIC

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

INTERNATIONAL PREMIER TENNIS LEAGUE

WORLD NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
16 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with