^

PSN Palaro

Knicks babangon sa pagharap sa Heat

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Huma­hanap si coach Derek Fisher ng kasagutan tungkol sa masamang opensa ng kanyang Knicks, lalo na sa produksyon mula sa bench.

Kailangan niyang ma­resolbahan ang problema sa pagharap ng New York sa Miami Heat, ang isa sa pinakamagaling sa depensa sa liga, sa ikalawang pagkakataon ngayong season.

Ang Knicks (8-8) ay kasalukuyang nasa ika-28 puwesto sa NBA sa field-goal percentage at pang-23 sa kanilang 97.2 points per game.

Sa 78-95 kabiguan sa Heat noong nakaraang Lunes ay nagtala ang Knicks ng 4-of-24 shooting sa three-point line.

Matapos ito ay natalo naman ang New York sa Orlando Magic, 91-100, kung saan sila tumipa ng 9-of-27 shooting sa 3-point range.

Kasama sa dahilan ay ang mahinang bench production ng Knicks na naglista ng  kabuuang 22 points, mula sa 7-for-47 fieldgoal shooting at may 0-of-16 clip sa 3-point line sa nakaraan nilang dalawang sunod na kabiguan.

Sa kabila nito ay walang plano si Fisher na humugot ng ilang players sa pamamagitan ng trade.

Patuloy na binabanderahan ni Carmelo Anthony ang Knicks sa kanyang 22.8 points per game.

Humakot siya ng 28 points at 13 rebounds laban sa Magic matapos tumipa ng 21 markers kontra sa Miami.

ACIRC

ANG

ANG KNICKS

CARMELO ANTHONY

DEREK FISHER

HUMA

HUMAKOT

KAILANGAN

MIAMI HEAT

NEW YORK

ORLANDO MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with