^

PSN Palaro

Spikers’ Turf: HD Spikers humirit pa sa Raiders

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Disyembre 6 (The Arena, San Juan)

5 p.m. Cignal HD TV vs Air Force

MANILA, Philippines – Matamis ang gina­wang pagresbak ng Cignal HD TV nang ilista  ang impresibong 25-16, 25-17, 25-18 panalo laban sa Air Force upang maipu­wersa ang do-or-die game sa Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference na iprinisinta ng PLDT Home Ultera kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw ang ipinamalas na laro ni Edmar Bonono nang umiskor ito ng 19 puntos tampok ang 15 malulupit na atake para pamunuan ang HD Spikers.

Naitabla ng Cignal ang best-of-three title series sa 1-1 kung saan gaganapin ang Game 3 sa Disyembre 6.

Wagi ang Air Force sa Game 1, 15-25, 25-19, 19-25, 19-25.

“We were a little lousy in Game One that’s why we made some adjustments in our attacking game, which ended up working well,” ani Cignal coach Michael Carino.

Nakatuwang ni Bonono si Lorenzo Capate Jr. na nagsumite ng 12 puntos habang nagdagdag si Herschel Ramos ng 11 puntos.

“We knew for us to have a chance, we need to get everybody involved and we did that successfully on this game,” sambit pa ni Cariño.

Naging matibay na armas ng HD Spikers ang solidong depensa sa net para pigilan ang ilang pagtatangka ng kanilang karibal kung saan nalimitahan ang Air Force top spiker na si Jeffrey Malabanan sa 10 puntos.

Nagkasya rin sa pinag­sama-samang 18 puntos ang power-hitters na sina Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes at Ruben Inaudito. Umiskor ng kabuuang 12 blocks ang Cignal - anim rito ay mula kay Ramos.

“We need to improve more on our defense, we rely too much on our libero (Sandy Domenick Montero),” ani Cariño.

Sa unang laro, nalusutan ng PLDT Home Ultera ang Navy 29-31, 25-20, 25-21, 25-15 para angkinin ang thrid-place trophy.

ACIRC

AIR FORCE

ANG

ATILDE

CARI

CIGNAL

DISYEMBRE

EDMAR BONONO

GAME ONE

HERSCHEL RAMOS

HOME ULTERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with