^

PSN Palaro

Smart runners finishers sa Chicago at Japan marathon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng mga employee athletes ng wireless leader na Smart Communications (Smart) ang kanilang pagpapakita ng lakas hindi lamang sa mga local races kundi maging sa international marathon sa Chicago at Japan noong Oktubre.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang Smart sa nasabing dalawang events.

Kapwa tinapos nina Strategy and Operations Support senior manager Grace Ruperto at Logistics Department head Warren Ermac ang Chicago Marathon, isang annual event na inorganisa ng Bank of America sa loob ng 30 taon.

Sinimulan ang karera sa Grant Park sa Lake Michigan patungo sa northern Chicago at pabalik sa Grant Park.

Samantala, pinamu­nuan naman ni Wireless Mainstream Enterprise Solutions senior manager Sherry San Pedro ang Osaka Marathon, isang annual running event sa Japan na inorganisa ng Japan Association of Athletics Federations at ng Yomiuri Shimbun, isang Japanese national newspaper.

Ang nasabing mga marathoners ay miyembro ng Samahang Mana­nakbo ng Smart, isa sa 22 employee clubs sa Smart na nagpo-promote ng aktibong pamumuhay sa kumpanya para maisabuhay ng kanilang workforce ang “Live More” manifesto.

ACIRC

ANG

BANK OF AMERICA

CHICAGO MARATHON

GRACE RUPERTO

GRANT PARK

JAPAN ASSOCIATION OF ATHLETICS FEDERATIONS

LAKE MICHIGAN

LIVE MORE

LOGISTICS DEPARTMENT

OSAKA MARATHON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->