^

PSN Palaro

Spikers’ Turf isa na lang sa Raiders

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules (The Arena, San Juan)

1 p.m. Navy vs PLDT Home Ultera  (third)

3 p.m. Cignal vs Air Force (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines – Inasahan ni Philippine Air Force coach Rhovyl Verayo ang kanyang six-man rotation para talunin ang Cignal HD TV, 25-15, 19-25, 25-19, 25-19 sa Game One ng Spikers’ Turf Season 1-Collegiate Conference Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera si Jeffry Malabanan para sa 1-0 abante ng Raiders sa kanilang best-of-three title showdown ng HD Spikers matapos humataw ng 17 points.

Tumulong naman sina Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes, Ruben Inaudito at Edwin Tolentino kay Malabanan nang maglista ng pinagsamang 41 points.

Bukod kay setter at libero Raffy Mosuela,  ginamit din ni Verayo sina Mike Abria at Pitrus de Ocampo.

Nasa Raiders ang pagkakataong kunin ang korona sa pamamagitan ng panalo sa HD Spikers sa Game Two sa Miyerkules.

Sakali namang makatabla ang Cignal sa Air Fore ay itatakda ang Game Three sa Disyembre 5.

Sa agawan sa third place trophy, kinuha ng PLDT Home Ultera ang 25-14, 25-22, 23-25, 25-19 panalo laban sa Navy sa kanilang series opener.

Humataw si Mark Gil Alfafara ng 20 hits, tampok ang 17 kills para sa 1-0 abante ng Ultra Fast Spi­kers sa kanilang serye.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORE

ANG

CIGNAL

COLLEGIATE CONFERENCE FINALS

EDWIN TOLENTINO

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

HOME ULTERA

JEFFRY MALABANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with