^

PSN Palaro

FEU sinibak ang La Salle Final Four cast kumpleto na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. FEU vs Ateneo

MANILA, Philippines – Ngayon ay makaka­hi­nga na ng maluwag ang nagdedepensang National University.

Sa likod ng 11 points ni Roger Pogoy sa fourth quarter, nakabangon ang Far Eastern University mula sa 12-point deficit para patalsikin ang De La Salle University, 71-68  at kumpletu­hin ang Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng FEU ang elimination round bitbit ang 11-3 record katabla ang University of Sto. Tomas para mabuo ang Final Four kasama ang Ateneo (9-5) at NU (7-7), habang tuluyan nang nasibak ang La Salle (6-8).

Sa Final Four ay may hawak na ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1 Tigers at No. 2 Tamaraws laban sa No. 4 Bulldogs at No. 3 Blue Eagles, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang ipinoste ng Green Archers ang 15-point advantage, 52-37, mula sa three-point shot ni guard Thomas Torres sa huling 51 segundo ng third quarter bago kunin ang 57-45 bentahe sa pagsilip ng fourth period.

Isang 20-4 bomba ang inihulog ng Tamaraws, tampok dito ang tatlong three-point shots ni Pogoy, para agawin ang 65-61 kalamangan sa 2:08 minuto ng laro.

Ang basket ni Jeron Teng ang huling nagdikit sa La Salle sa 68-69 sa natitirang walong segundo bago seyuhan ni Joe Trinidad ang panalo ng FEU.

Sa unang laro, tinapos ng University of the East ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 79-67 paggiba sa University of the Philippines.

Kinulang lamang ng isang panalo ang Red Warriors sa kanilang 6-8 baraha para sa playoff sa huling semis seat.

UE 79 – Derige 18, P. Varilla 14, Javier 13, de Leon 8, J. Varilla 7, Palma 5, Yu 5, Batiller 3, Manalang 3, Gagate 2, Sta. Ana 1, Charcos 0.

UP 67 – Desiderio 26, Asilum 12, Amar 8, Juruena 7, Manuel 6, Moralde 4, Dario 2, Gallarza 2, Harris 0, Jaboneta 0, Kone 0, Lim 0, Vito 0, Webb 0.

Quarterscores: 17-18; 37-28; 61-47; 79-67.

FEU 71 — Arong 13, Pogoy 11, Belo 10, Inigo 9, Ri. Escoto 8, Orizu 5, Ru. Escoto 4, Trinidad 3, Tamsi 2, K. Holmqvist 2, Tolomia 2, S. Holmqvist 2, Comboy 0, Ebona 0.

La Salle 68 — Teng 20, Rivero 16, Torralba 8, Torres 7, Perkins 6, Muyang 5, Caracut 3, Langston 3, Gob 0.

Quarterscores: 22-19; 29-38; 45-54; 71-68.

ACIRC

ANG

ATENEO

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

ESCOTO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LA SALLE

SMART ARANETA COLISEUM

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with