^

PSN Palaro

James, Cavaliers tinalo ng Bucks sa dalawang overtime Clippers wagi sa Pistons

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Paminsan-minsan ay pinapaalala ni Jamal Crawford na maaari pa rin siyang maging isang prolific scorer.

Kumamada ang 37-anyos na veteran guard ng season-high na 37 points, tampok dito ang 10-of-10 shoo­ting sa free throw line, para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 101-96 paggiba sa Detroit Pistons at tapusin ang kanilang two-game skid.

Imbes na hugutin mula sa bench kagaya ng kanyang papel, isinama si Crawford sa starting lineup dahil may injury si J.J. Redick.

At sinamantala ni Crawford ang pagkakataon para magbida sa Clippers.

“We just needed to win,” sabi ni Crawford. “I never really lose confidence in myself.”

Umiskor si Blake Griffin ng 34 points, kasama rito ang isang krusyal na jumper sa natitirang 17 segundo mula sa pasa ni Crawford.

Humakot naman si DeAndre Jordan ng 10 points at 16 rebounds para sa Clippers, naglaro nang wala si in­jured point guard Chris Paul.

Umiskor naman si Ersan Ilyasova ng 20 points, habang kumolekta si Andre Drummond ng 18 points at 19 rebounds para sa Pistons.

Nagtala rin si Reggie Jackson ng  20 points sa ikatlong sunod na kamalasan ng Detroit.

Hawak ng Clippers ang 95-94 abante, nagmintis si Paul Pierce at nakipag-agawan naman si Griffin para sa rebound.

Sa paglabas sa baseline ay naibigay ni Griffin ang bo­la kay Ilyasova para muling makuha ang posesyon.

Nagsalpak si Griffin ng isang 20-footer para muling ilayo ang Clippers sa Pistons sa 97-94.

Sa Milwaukee, tumipa si Jerry Bayless ng 17 points at hindi pinaiskor si LeBron James sa second overtime para tulungan ang Bucks sa 108-105 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

Tumapos si James na may 37 points para sa Cleveland, natalo sa unang pagkakataon matapos isuko ang 95-97 kabiguan sa Chicago Bulls sa season opener.

ACIRC

ANG

BLAKE GRIFFIN

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

CLEVELAND CAVALIERS

CRAWFORD

DETROIT PISTONS

ERSAN ILYASOVA

PARA

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with