^

PSN Palaro

Esmero at Malapitan nagbida para sa PSL

Pilipino Star Ngayon

TOKYO – Patuloy ang mainit na ratsada ng Philip­pine Swimming League (PSL) matapos su­misid ng walong ginto, isang pilak at limang tansong me­dalya sa 2015 Japan Invitational Swimming Championship na ginaganap sa Tokyo International Swimming Pool dito.

Pinangunahan nina Cha­rize Juliana Esmero ng University of the Philippines Integrated School at Rio Lorenzo Malapitan ng Divine Word College-Mindoro ang pamamayag­pag ng koponan nang kumana ng tig-dalawang gintong me­­dalya.

Hindi nagpaawat si Esmero sa girls’ 11-12 nang kubrahin ang ginto sa 100-meter backstroke sa tiyempong isang minuto at 9.84 segundo kasunod ang matamis na pagsungkit sa ginto sa  200m Indivi­dual Medley sa bisa ng im­presibong 1:15.02.

Hataw din si Malapitan sa boys’ 11-12 50m breaststroke sa naitalang  37.38 se­­gundo kasunod ang pamamayagpag sa 100m breaststroke sa oras na 1:22.98.

Nagdagdag pa ng tanson si Malapitan sa 50m freestyle (30.74).

Nakasiguro rin ng ginto sina Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas at Angela Claire Tor­rico ng School of Holy Spi­rit of Quezon City.

Nangibabaw ang 15-anyos na si Zamora sa boys’ 15-18 years 100m backstroke (1:01.68) at si Torrico ang nanguna sa girls’ 9-10 100m backstroke (1:37.12).

Kumana pa ng dalawang ginto ang Pinoy squad sa relay event kung saan winalis nina Torrico, Micaela Jasmine Mojdeh, Kyla Soguilon at Joanna Cervas ang dalawang gintong nakataya (girls’ 9-10 200m freestyle relay at 200m medley relay).

Ang pilak na medalya ay buhat kay Zamora sa 200m IM (2:14.38) at ang tanso ay galing kina Torrico 200m IM (1:29.57), Za­mora 200m freestyle (2:06.87), Lans Rawlin Do­nato (boys’ 15-18 50m freestyle, 25.27) at Paul Christian King Cusing (boys’ 15-18 100m backstroke, 1:04.68).

“The kids are pumped up and extra motivated since they are competing against the some of the best swimmers. Iyong ibang mga kasali dito ga­ling sa competition sa FI­NA World Cup kaya talagang malalakas ang mga kalaban,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

Sa kabuuan, mayroon nang 13 ginto, 4 pilak at 10 tansong medalya ang Pilipinas sa naturang torneo na nilahukan ng mga ko­po­nang mula sa Great Britain, China, United States, Netherlands at host Japan.

Inaasahang hahakot pa ang PSL team sa hu­ling araw dahil sasalang si­na Soguilon, Mojdeh at Esmero, habang lalarga naman sa relay sina Zamora, Donato, Drew Magbag at Kobe Soguilon.

Target ni Soguilon na makuha ang ginto sa kan­yang tatlong huling mga events (50m but­ter­fly, 200m IM at 50m freestyle) at sa­sabak si Mojdeh sa 100m breaststroke at 50m breaststroke.

Si Esmero ay sasalang sa 200m freestyle.

vuukle comment

200M

ACIRC

ANG

ANGELA CLAIRE TOR

DIVINE WORD COLLEGE-MINDORO

DREW MAGBAG

ESMERO

GINTO

SHY

TORRICO

ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with